FAQ ng account sharing para sa mga individual plan

Matuto pa tungkol sa mga patakaran ng Adobe na nagbabawal sa account sharing para sa mga individual plan.

Maaari ko bang ibahagi ang aking Adobe account sa mga miyembro ng pamilya o mga kaibigan?

Hindi, ang mga individual plan ay para sa isang tao lang. Hindi mo puwedeng ibahagi sa iba ang individual plan. Magbasa nang higit pa tungkol sa Paggamit ng mga Serbisyo at Software at Paggawi ng User sa Mga Pangkalahatang Tuntunin sa Paggamit ng Adobe at alamin kung paano pinakamahusay na gamitin ang iyong mga indibidwal na lisensya at membership sa Adobe.

Maaari ko bang gamitin ang aking subscription sa Adobe sa dalawang device?

Ang isang individual plan ay nagpapahintulot sa iyo na:

  • Gumamit ng Adobe app sa isang device lang sa bawat pagkakataon
  • Mag-sign in (mag-activate) ng iyong account sa hanggang dalawang device

Kung gusto mong mag-sign in sa (mag-activate ng) Adobe apps sa ikatlong device, kakailanganin mo munang mag-sign out (mag-deactivate) sa isa pang device. Matuto pa tungkol sa paggamit ng Adobe app sa higit sa isang device

Maaari ko bang ibahagi ang aking mga kredensyal sa pag-log in?

Hindi, hindi mo puwedeng ibahagi sa iba ang individual plan. Makakahanap ka ng higit pang impormasyon sa mga seksyong Paggamit ng mga Serbisyo at Software at Paggawi ng User sa Mga Pangkalahatang Tuntunin sa Paggamit ng Adobe.

Paano ko ima-manage ang mga device kung saan ako naka-sign in (mga naka-activate na device)?

Sundin ang mga hakbang na ito para i-mange ang mga device kung saan ka naka-sign in (mga naka-activate na device) gamit ang iyong Adobe account.

  1. Mag-sign in sa Adobe account mo online.

  2. I-sign out ang iyong sarili o ang ibang tao sa isang device sa pamamagitan ng pagpili sa I-deactivate sa tabi ng pangalan ng device.

Kapag nag-sign out ka (nag-deactivate) sa isang device, hindi na gagana ang Adobe apps sa device na iyon, at hihinto ang iyong mga file sa pag-sync dito.

Paano ako magsa-sign out sa isang Adobe app o account?

Una, tiyaking nakakonekta ang iyong device sa internet. Buksan ang iyong Adobe app at piliin ang Tulong > Mag-sign Out. Pagkatapos ay piliin ang Mag-sign Out sa susunod na screen para kumpirmahin. Ang pag-sign out mula sa isang Adobe desktop app ay magsa-sign out din sa iyo sa iba pang Adobe app.

Kung gumagamit ka ng mahigit sa isang Adobe app, ang pag-sign out mula sa desktop app ng Creative Cloud ay awtomatikong magsa-sign out sa iyo mula sa lahat ng Adobe application sa iyong computer. Para gawin ito, buksan ang desktop app ng Creative Cloud at piliin ang icon ng Account sa kanang sulok sa itaas. Pagkatapos ay piliin ang Mag-sign Out at kumpirmahin kapag na-prompt.

Paano kung hindi na available ang isang device kung saan ako naka-log in?

Kung hindi mo na ma-access ang device kung saan ka nag-install ng produkto ng Adobe, o kung na-format mo ang hard drive o nakaranas ng pag-crash, maaari kang mag-sign out (mag-deactivate) sa device mula sa iyong Adobe account kung ang app ay bahagi ng Creative Cloud Lahat ng App. Mag-sign in sa iyong Adobe account at piliin ang I-deactivate para sa device kung saan mo gustong mag-sign out.

Paano ko ire-reset o babaguhin ang aking password?

Para baguhin ang iyong password sa Adobe account, bisitahin ang pahinang ito para sa mga detalyadong tagubilin.

Alamin kung paano mag-set up at gumamit ng two-step na pag-verify bilang karagdagang authentication step para maging mas secure ang iyong karanasan sa pag-sign in. 

Maaari ko bang palitan ng team plan ang individual plan?

Karaniwan na, puwedeng lumipat ang mga indibidwal mula sa individual plan patungo sa team plan, pero may ilang eksepsyon. Ang mga team plan ay para sa maraming tao. Kaya ang bawat miyembro ng team ay nangangailangan ng lisensya (na madaling i-manage sa Admin Console). Alamin ang tungkol sa mga kinakailangan para mag-upgrade mula sa individual plan patungo sa team plan.

Paano ko maiuulat ang kahina-hinalang aktibidad o mga isyu sa seguridad sa Adobe?

Alamin kung paano abisuhan ang Adobe ng anumang kahina-hinalang aktibidad o mga isyu sa seguridad para matugunan kaagad ng aming pangkat ng mga eksperto ang anumang isyu sa seguridad na kinasasangkutan ng aming mga produkto at serbisyo.

Adobe, Inc.

Makakuha ng tulong nang mas mabilis at mas madali

Bagong user?