Kaalaman at Suporta para sa Adobe Document Cloud

Acrobat

Makahanap ng mga sagot, tutorial, at step-by-step na tagubilin.

Acrobat

Adobe Acrobat Sign

Makahanap ng mga sagot, tutorial, at step-by-step na tagubilin.

Adobe Acrobat Sign

Acrobat Reader

Makahanap ng mga sagot at step-by-step na tagubilin.

Acrobat Reader

Mga resource ng admin:  Enterprise   |    Education


Pag-troubleshoot at tulong

I-download ang Acrobat Pro o Standard mula sa website para sa pag-download ng mga Adobe app. Mag-sign in gamit ang Adobe ID at password mo para tapusin ang pag-download. Para sa mga tagubilin sa pag-install, tingnan ang Mag-download at mag-install ng subscription sa Adobe Acrobat.

Alamin kung paano lutasin ang mga isyu sa pag-download para sa Acrobat.

Basahin itong mga simpleng solusyon sa mga karaniwang isyu sa Adobe ID at pag-sign in para mabawi ang access sa account mo.

Puwede mong i-install ang Acrobat sa hanggang dalawang computer. Kung gusto mo itong i-install sa pangatlong computer, mag-sign out sa isa sa mga dati mong computer. Piliin ang Tulong > Mag-sign In/Mag-sign Out. Para alamin pa, tingnan ang I-install at gamitin ang Acrobat sa bagong computer.

Mag-sign in sa iyong page ng mga Adobe account gamit ang kasalukuyan mong Adobe ID at password. Mula roon, i-click ang tab na Seguridad at Privacy, at pagkatapos ay i-click ang Baguhin sa ilalim ng Password. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa pagbabago ng password mo at iba pang impormasyon ng account, tingnan ang I-manage ang iyong Adobe ID account.

icon ng account

Kailangan mo pa rin ba ng tulong? Makahanap ng higit pang sagot sa account, pagsingil, at plan.

Alamin ang interface ng Acrobat. Alamin kung paano gamitin ang Acrobat Tool Center para mahanap ang tamang tool at magawa ang halos kahit anong gawain sa mga PDF mo.

Sundin ang mga hakbang sa artikulong ito para mag-troubleshoot ng mga problema sa pag-print ng PDF.

Maraming salik ang puwedeng pumigil sa pagbubukas ng PDF. Para malaman ang pinag-ugatan ng problema, tingnan ang Hindi mabuksan ang PDF.

Para malutas ang mga pinakakaraniwang isyu sa pagpapakita ng PDF, sundin ang mga hakbang sa I-troubleshoot ang pagtingin ng mga PDF file sa web.

Maraming web browser, gaya ng Chrome, Firefox, at Safari, ang gumagamit na ngayon ng sariling PDF viewer ng mga ito sa halip na ang plug-in ng Adobe PDF. Para sa pinakamahuhusay na resulta, i-configure ang browser mo na gamitin ang plug-in ng Adobe PDF para magbukas ng mga online na PDF file.

Kasama sa Document Cloud ang Acrobat at Adobe Acrobat Sign, pati na ang mga web at mobile app. Sa Acrobat Reader mobile app, puwede kang gumawa ng mga PDF, mag-edit nito, magkomento rito, at pumirma nito sa telepono o tablet mo mismo. At sa mga Document Cloud web app, puwede kang gumamit ng mga PDF at mag-manage ng mga e-signature mula sa browser sa kahit anong computer. Para sa higit pang detalye, tingnan ang Mga FAQ tungkol sa Adobe Document Cloud.

Sa Acrobat o Reader, piliin ang Home > Document Cloud. Puwede mo ring i-access ang mga file mo sa web at sulitin ang iba pang tool sa Document Cloud. Pumunta sa https://documentcloud.adobe.com. Mag-sign in gamit ang iyong Adobe ID (karaniwang ang email address mo) at password. Para alamin pa, tingnan ang Nasaan ang mga file ko?.

Gamitin ang website ng Document Cloud para i-access ang marami sa mga paborito mong Acrobat tool sa web. Gawin, ayusin, ibahagi, at i-store ang mga PDF file. Alamin kung paano sa tutorial na Gumamit ng mga PDF online.

Alamin kung paano magpapirma ng mga dokumento sa iba gamit ang tool na Sagutan at Pirmahan mula sa iyong desktop, web, o mobile.

Alamin kung paano mag-convert ng na-scan na dokumento para maging nae-edit na PDF sa iisang hakbang. Gamit ang web tool na Acrobat Export PDF, puwede kang mag-export ng na-scan na PDF nang direkta sa isang Word, Excel, o RTF file. Tingnan ang Paggamit ng OCR sa Adobe Acrobat Export PDF.

Icon na i-download

Kailangan mo pa rin ba ng tulong? Alamin ang higit pang solusyon sa pag-download at pag-install