I-tap ang litrato na gusto mong i-edit sa timeline.
Alamin kung paano i-refine ang brightness at contrast ng footage mo sa pamamagitan ng pag-adjust ng shadows, mid tones, at highlights sa Premiere sa iPhone.
Nakakatulong ang mga adjustment na ito para makontrol ang distribusyon ng ilaw sa video mo. Maaari mong i-enhance ang detalye, itama ang lighting issues, at bigyan ang footage mo ng mas balancseng itsura.
Mula sa mga opsyon sa ibaba ng screen, i-tap ang Adjust para buksan ang adjustment panel.
Sa adjustment panel, piliin ang Grading tab.
I-adjust ang Shadows, Mid Tones, Highlights, at Global settings para ma-fine-tune ang brightness at contrast ng footage mo.
Bawat seksyon ay may kasamang settings para sa:
- Hue: I-a-adjust ang overall color tone ng clip. Halimbawa, ang pag-shift ng hue ay maaaring magbago ng blue sky sa purple o green shade, nakakatulong sa paggawa ng mood o pagtama ng color balance.
- Saturation: Kinokontrol kung gaano ka-vibrant o muted ang mga kulay. Ang pagtaas ng saturation ay nagpapatingkad sa mga kulay, habang ang pagbawas nito ay naglilikha ng mas soft o washed-out na itsura.
- Luminance: Binabago ang brightness sa loob ng shadows, mid tones, o highlights. Maaari mong paliwanagin ang madidilim na area o pahinain ang maliliwanag na area para lumikha ng contrast o ma-balance ang exposure.
- Blending: Tinutukoy kung gaano kalakas ang epekto ng mga adjustment sa clip. Ang mas mataas na blending value ay nag-aapply ng mas maraming effect, habang ang mas mababang value ay nagbibigay ng subtle na pagbabago.
- Balance: Pinipino kung paano naipapamahagi ang adjustments sa shadows, mid tones, at highlights. Halimbawa, maaari mong i-boost ang shadows nang hindi masyadong naaapektuhan ang highlights o lumikha ng mas pantay na itsura sa buong imahe.