Baguhin ang opacity ng mga clip

Last updated on Set 30, 2025

Matutong mag-adjust ng opacity ng mga clip mo sa Premiere sa iPhone para makagawa ng mga layered na hitusra, overlay, o fade effect.

Pwede mong i-adjust ang opacity ng video, larawan, at text clips para makagawa ng mga overlay, fade effect, o layering. I-drag ang opacity slider para makontrol ang transparency at makuha ang gustong visual effect.

Sa timeline ng proyekto mo, i-tap ang clip na gusto mong i-adjust.

Sa ibaba ng screen, i-scroll ang mga opsyon at i-tap ang Opacity.

I-drag pakaliwa o pakanan ang opacity slider para makontrol ang visibility. Kapag inilipat pakaliwa, mas nagiging transparent ang clip, habang kapag inilipat pakanan, mas nagiging fully visible ito. Pwede mo itong gamitin para gumawa ng fade effects, paghaluin ang mga clip, o hayaang lumabas ang mga background elements.

Note

Kapag binaba sa pinakamababa ang opacity, magiging fully transparent ang clip. Kung may ibang clip o asset sa ilalim, ito ang makikita; kung wala, magiging itim ang screen.

Naka-open ang opacity slider sa ibaba ng screen para i-adjust ang transparency level ng clip.
I-adjust ang opacity ng clip para makagawa ng mga overlay o banayad na transparency effects.