Buksan ang proyekto mo at i-tap ang clip na gusto mong i-adjust sa timeline.
I-adjust ang playback speed para paikliin o pahabain ang clip mo sa Premiere sa iPhone.
Maaari mong baguhin ang tagal ng clip sa pamamagitan ng pag-adjust ng speed nito. Ang pagpapabagal ng clip ay nagpapahaba ng tagal nito para sa dramatic na effect, habang ang pagpapabilis naman ay nagpapapaikli sa clip para mapasok ang mas maraming action sa mas maikling oras.
Sa ibabang toolbar, mag-scroll sa mga opsyon mula kanan pakaliwa at i-tap ang Speed.
I-drag ang speed slider para mag-set ng value mula 0.1x (pinakamabagal) hanggang 100x (pinakamabilis).
Habang nag-a-adjust, makikita sa ilalim ng speed bar ang bagong tagal ng clip.
Kung gusto mong i-undo ang anumang pagbabago habang nag-a-adjust ng speed, i-tap ang undo icon sa kaliwang itaas ng Speed control panel.