Adobe Journey Optimizer | Paglalarawan ng Produkto

Icon ng Adobe Campaign Managed Cloud Services

May bisa simula sa Setyembre 8, 2026

Ano ang Adobe Journey Optimizer? 

Pinapayagan ng Adobe Journey Optimizer ang Customer na mag-orchestrate ng mga omnichannel na Journey at Campaign, tukuyin ang pinakamainam na susunod na aksiyong gagawin para sa mga customer nito, at maghatid ng mga contextualized na Decision na naka-personalize at ino-optimize sa mismong sandali.

Mga Produkto at Serbisyo

License Metric

Journey Optimizer – Mga Campaign at Journey

Kada 1,000 Engageable Profile

Journey Optimizer – Mga Journey

Kada 1,000 Engageable Profile

Journey Optimizer - Mga Campaign

Kada 1,000 Engageable Profile

Journey Optimizer - Loyalty Kada 1,000 Engageable Profile

Mga Standard Add-on

License Metric

Lahat ng Channel

Kada 1,000 Engageable Profile

Outbound Delivery

Kada 1,000 Engageable Profile

Mobile

Kada 1,000 Engageable Profile

Web

Kada 1,000 Engageable Profile

Pagpapasya

Kada 1,000 Engageable Profile

Mga Karagdagang Add-on

License Metric

Mga Karagdagang Pag-delegate ng Domain

Kada Isa

Mga Karagdagang Email Attachment Kada Pack ng 5 million Message na may mga attachment

Mga Karagdagang IPv4 Address

Kada Isa

Mga Karagdagang Message

Kada Pack ng 10 million Message

Deliverability Essentials

Kada 1,000 Engageable Profile

Deliverability Enhanced

Kada 1,000 Engageable Profile

Deliverability Plus

Kada 1,000 Engageable Profile

High Throughput Transactional Messaging Kada Isa
Message Export Kada Terabyte

 

Mga Add-on ng Adobe Experience Platform

License Metric

Mga Karagdagang User ng Ad Hoc Query

Kada pack na may limang magkakasabay na user ng Query Service at isang Ad Hoc Query na sabay-sabay na tumatakbo

Karagdagang Batch Segmentation

Kada Pack ng 50 Flexible Batch Segmentation Job

Karagdagang Data Lake Storage

Kada Isang Terabyte Kada Year

Karagdagang Volume ng Data

Kada Gigabyte

Mga Karagdagang Sandbox

Kada Isa

AEP Growth Credits Per AEP Growth Credit

Karagdagang Streaming Segmentation

Kada Pack ng 250 inbound event kada segundo

Mga Computed Attribute

Kada Pack

Federated Audience Composition

Kada Gigabyte

Healthcare Shield

Kada Isa

Privacy at Security Shield

Kada Isa

Data Distiller

Mga Compute Hour Kada Taon

Mga Add-on para sa Adobe Experience Manager Assets Essentials

License Metric

Mga Karagdagang Assets Essentials User

Kada Isang Assets Essentials User Kada Taon

Mga Karagdagang Consumer User

Kada Isang Consumer User Kada Taon

Karagdagang Storage ng Cloud Service para sa Adobe Experience Manager

Kada Isang Terabyte Kada Year

Mga Journey Optimizer Package

Kasama sa bawat package ng Journey Optimizer On-demand Services ang mga feature na karaniwang available at nagbibigay-daan sa Customer na pamahalaan, gumawa, maghatid, magsukat, at mag-optimize ng mga Message na nagta-target sa mga Engageable Audience, gaya ng nakalista sa seksiyong Mga Entitlement para sa Lahat ng Produkto at Serbisyo ng Journey Optimizer sa ibaba, pati na ang Adobe Experience Manager Assets Essentials at lahat ng Adobe Experience Platform Shared Feature (sama-samang tatawaging “Mga Standard Feature”).


Kasama ang mga karagdagang feature batay sa package na lisensiyado ng Customer, gaya ng nakasaad sa sumusunod na talahanayan:
 

Journey Optimizer Package

Mga Feature

Journey Optimizer – Mga Campaign at Journey

Mga Standard Feature at:

  • Campaign Orchestration
  • Real-time Journey Orchestration

Journey Optimizer – Mga Journey

Mga Standard Features at Real-time Journey Orchestration

Journey Optimizer - Mga Campaign

Mga Standard Feature at Campaign Orchestration

Journey Optimizer – Loyalty Mga Standard Feature at Loyalty

 

Deliverability Package Aktibidad Deliverability Essentials Deliverability Enhanced Deliverability Plus
Support model Uri ng Consultant
Rotating Team Aligned Team Pinangalanang Consultant
Uri ng request para sa suporta Ticket System Ticket System Direct Contact*
Post warming monitoring Self-Guided Self-Guided Adobe Guided
Pagsubaybay ng mga pangunahing blocklist X X X
Subaybayan ang performance at reputasyon habang nagaganap ang karagdagang pag-init ng IP/domain   Hanggang sa Isang Beses kada Taon Kasingdalas ng Kailangan
Patuloy na pagsubaybay sa performance at reputasyon pagkatapos ng IP warming   Dalawang beses kada Buwan Tuloy-tuloy
Mga Serbisyong Advisory Pag-troubleshoot at pag-diagnose ng mga problema sa pagpapadala ng email X X X
Suporta para sa mga isyu sa reputasyon ng sender X X X
Gabay sa paglutas ng pagkakabilang sa blocklist X X X
Pagtuklas at rekomendasyon sa deliverability   X X
Gumawa ng mga karagdagang customized na plano para sa pag-init ng IP/domain at baguhin ang mga ito kung kinakailangan habang nagpapadala ng mga email   X X
Ibinibigay na tulong habang ipinapadala ang IP/domain warming   X X
Iniangkop na gabay para sa mga event at partikular na isyu sa deliverability     X
Pagsusuri ng deliverability report   Buwanan Lingguhan
Mag-email ng performance review     Kada Quarter
Training session para sa pag-enable ng deliverability     X
Suriin ang campaign dataset at magbigay ng mga rekomendasyon sa deliverability batay sa data mula sa mga third-party tool     X
Gabay at Strategy Mga pangkalahatang tanong tungkol sa industriya at mga pamantayan (walang tulong sa pagpapatupad) X X X
IP usage strategy   X X
Domain usage strategy   X X
Bumuo ng mga customized na strategy plan     X
Pagpaplano para sa DMARC at BIMI at suporta sa pagpapatupad ng mga ito     X
Pagpaplano ng kahandaan para sa holiday/event     X
Mga estratehiya para sa muling pag-activate, muling pakikipag-ugnayan, at muling pagkumpirma.     X

*Tumutukoy ito sa ilang multi-channel na paraan ng pakikipag-ugnayan na pinagkasunduan ng Adobe at ng Customer.

Mga Entitlement

 

Maximum na Engageable Audience, sa Milyon

<1 

>=1 hanggang <5 

>=5 hanggang <10 

>=10 hanggang <50 

>=50

Pinakamataas na Volume –

Bilang ng mga Message kada oras, nang walang Decision

1,000,000 

5,000,000 

10,000,000 

50,000,000 

60,000,000 

Pinakamataas na Volume –

Bilang ng mga Message kada oras, nang may kasamang Decision

500,000 

2,500,000 

5,000,000 

25,000,000 

30,000,000 

Pinakamataas na Volume — mga Transactional Message kada segundo sa mga Journey [1]

500

1,000

2,500

5,000

5,000

Pinakamataas na Volume – Mga Transactional Message kada segundo sa mga Campaign 500 500 500 500 500

Mga IPv4 Address 

6

8

12

24

32

Kabuuang database storage sa lahat ng Sandbox sa TB [2]

0.5

2.0

4.0

6.0

8.0

Average na pang-araw-araw na Campaign Workflow Execution[2]

500

500

500

500

1000

[1] Available ang mga Journey sa mga package na Journey Optimizer – Mga Journey o Journey Optimizer Campaign at Journey.

[2] Ina-apply sa Campaign Orchestration para sa Relational Datastore

Mga Performance Guardrails para sa Pinakamataas na Volume:

  1. Laki ng Email. Sinusuportahan ng Journey Optimizer Peak Volume ang mga email na hanggang 100 kilobyte ang laki.
  2. Mga Decision kada Email. Sinusuportahan ng Journey Optimizer Peak Volume ang hanggang 10 Decision kada email.
  3. Mga Personalization Field. Sinusuportahan ng Journey Optimizer Peak Volume ang hanggang 5 Personalization Field.
  4. Push Size. Sinusuportahan ng Journey Optimizer Peak Volume ang mga push Message na hanggang 4 kilobyte ang laki.

Lahat ng Produkto at Serbisyo ng Journey Optimizer:

  1. Addressable Audience. May karapatan ang mga Customer na panatilihin ang Addressable Audience na katumbas ng 125% ng nakakontratang Engageable Audience nila. Halimbawa, kung kumuha ng license ang Customer para sa 10 milyong Engageable Audience, magiging 12.5 milyon ang maximum na pinapahintulutang Addressable Audience.
  2. Adobe Experience Manager Assets Essentials. Kasama sa Journey Optimizer ang paggamit ng Adobe Experience Manager Assets Essentials, na may hanggang 5 Assets Essentials User, hanggang 100 Consumer User, at 1 terabyte ng storage para sa Adobe Experience Manager Cloud Service. Puwedeng bumili ang Customer ng karagdagang Assets Essentials User, Consumer User, at storage para sa Adobe Experience Manager Cloud Service.
  3. Pag-activate ng Audience. Puwedeng mag-export ang Customer ng average na hanggang 1,500 kilobyte ng data kada Addressable Profile bawat taon, at sa pamamagitan lang ng Custom Action.
  4. Mga Data Flow ng Adobe Audience Manager. Para sa mga Customer na nag-i-ingest ng data sa Journey Optimizer mula sa Adobe Audience Manager, first-party data source lang na dumadaloy mula sa Adobe Audience Manager papunta sa Profile Service ang sinusuportahan ng Journey Optimizer para magamit sa pakikipag-ugnayan sa pamamagitan nito.
  5. Mag-generate ng Content. Dapat may bisa ang mga kinakailangang tuntunin sa paglilisensiya sa pagitan ng Customer at Adobe para ma-access ang Mag-generate ng Content. Puwede lang gamitin ng Customer ang Generate Content sa Messages. Kung gagamit ang Customer ng Adobe Firefly para bumuo ng mga larawan sa Mag-generate ng Content, hiwalay ang paggamit na ito sa anumang entitlement sa license ng Customer para sa Adobe Firefly. 
    • a) Mga Custom Model ng Firefly. Sa kabila ng nabanggit, ang anumang paggamit ng Customer sa Mga Custom Model ng Firefly ay napapailalim sa mga tuntunin at kundisyon (kabilang ang mga entitlement) ng hiwalay na license ng Customer para sa Mga Custom Model ng Firefly
    • b) Mga Brand. Bilang bahagi ng Brands sa Generate Content, puwedeng gumawa at mamahala ang Customer ng hanggang limang brand profile sa loob ng naaangkop na License Term.
  6. Awtomatikong Pag-expire ng Dataset. Puwedeng mag-iskedyul ang Customer ng hanggang 20 work order para sa awtomatikong pag-expire ng dataset kada buwan.
  7. Batch Segmentation.
    • a) Mga Batch Segmentation Job. Puwedeng magproseso ang Customer ng hanggang isang Batch Segmentation Job kada araw para sa bawat Sandbox.
    • b) Flexible Audience Evaluation. Sa bawat taon ng License Term sa ilalim ng naaangkop na Sales Order ng Customer, puwedeng magproseso ang Customer ng hanggang:
      1. 50 Flexible Batch Segmentation Job sa lahat ng production Sandbox ng Customer, at
      2. 100 Flexible Batch Segmentation Job sa lahat ng Non-production Sandbox ng Customer.
    • Puwedeng bumili ang Customer ng karagdagang Batch Segmentation. Posibleng maglaman ang bawat Flexible Batch Segmentation Job ng hanggang 20 segment. Puwedeng magproseso ang Customer ng hanggang dalawang Flexible Batch Segmentation Job kada araw, para sa bawat Sandbox.
  8. Mga Computed Attribute. May access ang Customer sa 25 Computed Attribute kada Sandbox. Puwedeng bumili ang Customer ng hanggang dalawang Computed Attributes Add-on pack, para sa pinagsama-samang kabuuang hanggang 100 Computed Attribute kada Sandbox.
  9. Mga Custom Action. Puwedeng magsagawa ang Customer ng hanggang 100 Custom Action o custom Channel activation kada Engageable Profile bawat taon. Puwede lang gamitin ang Custom Action para mag-import o mag-export ng data para sa mga layuning may kaugnayan sa pagsasagawa ng Marketing Program ng Customer na pinamamahalaan sa Covered Service.
  10. Data Export. Puwedeng mag-export ang Customer sa anumang available na non-Adobe storage solution, direkta man o hindi, ng average na hanggang 500 kilobyte kada Profile bawat taon mula sa mga dataset na lisensiyado sa pamamagitan ng Journey Optimizer.
  11. Data Ingested kada Taon. Hindi dapat lumampas sa tatlong beses ng kabuuang Taunang Total Data Volume ng Customer ang kabuuang dami ng data na ini-ingest sa Adobe Journey Optimizer bawat taon.
  12. Data Landing Zone. Makakakuha ang Customer ng access sa isang Data Landing Zone kada Sandbox. Ang maximum na data na puwedeng i-store ng Customer sa lahat ng Data Landing Zone ay katumbas ng kabuuang storage ng data na ibinibigay kaugnay ng lahat ng Produkto at Serbisyo ng Adobe Experience Platform na lisensiyado sa Customer. Puwede lang gamitin ng Customer ang Data Landing Zone para maglipat ng Customer Data papasok at palabas ng Adobe Experience Platform. Awtomatikong ide-delete ang data mula sa Data Landing Zone pagkalipas ng 7 araw.
  13. Datasets Lookup. Puwedeng mag-enable ang Customer ng hanggang sampung record-based na dataset kada organisasyon (sa lahat ng Sandbox) para magamit sa lookup sa mga workflow ng personalization at decisioning. May entitlement ang Customer sa hanggang 4 GB na storage sa Data Lake para sa bawat isa sa mga dataset na ito.
  14. Engageable Audience. Puwedeng mag-store at magproseso ang Customer ng hanggang sa bilang ng Engageable Profile na pinahihintulutan sa naaangkop na Sales Order.
  15. Preview/Estimate. Sinusuportahan ng Journey Optimizer ang hanggang 5 User na sabay-sabay na gumagamit ng preview/estimate functionality ng Segmentation Service. Maaaring abutin nang hanggang 30 segundo bago makumpleto ang mga request para sa preview/estimate. Kung mas maraming User kaysa sa nakalaang bilang ang sabay-sabay na gumagamit ng preview/estimate, maaaring bumaba ang performance para sa Customer.
  16. Mga Patakaran sa Pag-merge ng Profile. Puwedeng gumamit ang Customer ng hanggang 1 Profile Merge Policy nang sabay-sabay.
  17. Query Service. Limitado ang karapatan ng Customer na gumamit ng Query Service sa pagpapatakbo ng mga Ad Hoc Query. Sinusuportahan nito ang hanggang 5 sabay-sabay na User ng Query Service at hanggang 1 Ad Hoc Query na sabay-sabay na tumatakbo para sa layuning i-validate ang data ingestion.
  18. Kabuuang Volume ng Data.
    • a) Para sa Mga customer ng AJO Journey, AJO Campaign & Journey, at AJO Loyalty: Ang Total Data Volume ng Customer ay dapat hindi hihigit sa 75 kilobyte na minultiply sa bilang ng Addressable Profile na lisensiyado nito, dagdag ang anumang karagdagang kapasidad na lisensiyado sa pamamagitan ng Additional Data Volume Add-on, kung naaangkop.
    • b) Para sa mga customer lang ng Mga AJO Campaign: Ang Total Data Volume ng Customer ay dapat hindi hihigit sa 15 kilobyte na minultiply sa bilang ng Addressable Profile na lisensiyado nito, dagdag ang anumang karagdagang kapasidad na lisensiyado sa pamamagitan ng Additional Data Volume Add-on, kung naaangkop.
  19. Mga Sandbox. Kasama sa Journey Optimizer ang hanggang 5 Sandbox. Puwedeng bumili ang Customer ng karagdagang Sandbox.
  20. Mga Source. Puwedeng mag-configure ang Customer ng hanggang 5 Non-Adobe Source na magkakasabay sa Journey Optimizer (sa pamamagitan ng UI at API), pero hindi puwedeng mag-import ang Customer ng data mula sa Advanced Enterprise Source Connectors (maliban sa nakasaad sa ibaba).
  21. Transient Data Ingestion. Puwedeng i-access ng Customer ang Customer Data na ini-ingest sa transient storage bago ito maging available sa Profile Service, nang hanggang 7 araw.
  22. Mga Walang License na Feature. Maaaring ma-access ang ilang feature ng Journey Optimizer sa pamamagitan ng Adobe Experience Platform. Walang license ang Customer para i-access o gamitin ang anumang feature sa Adobe Experience Platform na hindi saklaw ng dokumentong ito, kabilang ang, pero hindi limitado sa, mga component ng Data Science Workspace, at hindi dapat i-access o gamitin ng Customer ang mga ito maliban kung hiwalay na kumuha ng license. Bukod dito, walang license ang Customer para i-access o gamitin ang mga component ng Data Lake o Query Service sa Adobe Experience Platform, at hindi dapat i-access o gamitin ng Customer ang mga ito maliban kung ginagamit ang mga ito kasabay ng Bundled Services o hiwalay na kumuha ng license.

Journey Optimizer – Mga Journey

Kasama sa Journey Optimizer – Journeys ang Real-time Journey Orchestration, isang feature ng Journey Optimizer na sumusuporta sa streaming at batch processing ng Journeys.

  1. Edge Segmentation. Sinusuportahan ng base entitlement ng Customer sa Edge Segmentation ang hanggang 1,500 inbound event kada segundo na pumapasok sa Adobe Experience Platform Edge network. Maaaring abutin nang hanggang 350 millisecond mula sa oras na pumasok ang isang inbound event sa Adobe Experience Platform Edge Network para makumpleto ang Edge Segmentation.
  2. Streaming Segmentation. Sinusuportahan ng base entitlement ng Customer sa Streaming Segmentation ang hanggang 1,500 inbound event kada segundo.

Journey Optimizer – Mga Campaign

Kasama sa Journey Optimizer – Campaigns ang Campaign Orchestration, isang feature ng Journey Optimizer na sumusuporta sa mga workflow na may iisang hakbang o maraming hakbang, na gumagamit sa Relational Datastore para bumuo at mag-segment ng mga audience para sa batch engagement.

  1. Mga Source. Puwedeng mag-import ang Customer ng data mula sa Advanced Enterprise Source Connectors. Puwede lang i-import ang naturang data sa Relational Datastore.
  2. Bilang ng mga Schema. Puwedeng gumawa at magpanatili ang Customer ng hanggang 200 schema sa Relational Datastore.
  3. Laki ng Schema. Hindi dapat lumampas sa 100 gigabyte ang data sa bawat schema ng Relational Datastore.
  4. Frequency ng Data Ingestion. Puwedeng magsagawa ang Customer ng batch data ingestion nang hanggang isang beses kada 15 minuto para sa bawat schema ng Relational Datastore.
  5. Mga Update. Puwedeng i-update ng Customer ang hanggang 20% ng kabuuang record data nito sa Relational Datastore kada araw.

Journey Optimizer – Loyalty

Kasama sa Journey Optimizer – Loyalty ang Loyalty Challenges, isang feature na nagbibigay-daan sa mga customer na magdisenyo, mag-orchestrate, at sumubaybay sa mga gamified na experience ng pakikipag-ugnayan para sa mga Engageable Profile.

  1. Mga Code-based Channel at Custom Action. Kasama sa Journey Optimizer – Loyalty ang access sa mga code-based Channel at Custom Action.
  2. Generative AI Feature. Kasama sa Journey Optimizer Loyalty ang (mga) Generative AI Feature.

Mga Standard Add-on

  1. Mobile Add-on
    1. Mga Message. Puwedeng magpadala ang Customer ng average na hanggang 60 Message (email o push Message) kada nakakontratang Engageable Profile bawat taon. Puwedeng bumili ang Customer ng mga karagdagang Message pack.
  2. Add-on para sa Outbound Delivery
    1. BCC: Gumagana lang ang BCC feature sa email Channel. Puwedeng idagdag ng Customer ang email address nito sa BCC inbox para makatanggap ng kopyang pang-archive ng isang Message. Bibilangin ang bawat email na ipinadala gamit ang BCC sa lisensiyadong dami ng mga Message. Halimbawa, kung magpapadala ng 5 email sa mga Recipient gamit ang BCC, bibilangin ito bilang 10 ipinadalang Message (5 Message sa mga Recipient at 5 Message sa Customer). Ang paggamit ng BCC ay saklaw ng naaangkop na limitasyon sa Peak Volume kada oras. Pinagsasaluhan ang limitasyong ito ng bilang ng mga email na ipinapadala sa mga Recipient at ng bilang ng mga email na ipinapadala sa Customer gamit ang BCC.
    2. Mga Pag-delegate ng Domain. Puwedeng mag-delegate ang Customer ng hanggang 10 domain. Puwedeng bumili ang Customer ng mga karagdagang Pag-delegate ng Domain.
    3. Mga Email Attachment. Sa mga Message na may entitlement ang Customer kada nakakontratang Engageable Profile bawat taon ng License Term, hanggang anim na Message (email lang) ang maaaring maglaman ng hanggang limang PDF attachment bawat isa. Hanggang isa sa mga attachment na ito ang maaaring hindi personalized, at ang kabuuang laki ng mga ito ay hindi dapat lumampas sa 5 MB kada Message. Puwedeng bumili ang Customer ng mga karagdagang Email Attachment pack.
    4. Mga Message. Puwedeng magpadala ang Customer ng average na hanggang 60 Message (email o push Message) kada nakakontratang Engageable Profile bawat taon. Puwedeng bumili ang Customer ng mga karagdagang Message pack.

Mga Kahulugan 

Ang Mga Karagdagang Email Attachment ay Add-on ng Adobe Journey Optimizer na nagbibigay-daan sa Customer na dagdagan ang bilang ng mga email Message na maaari nitong padalhan ng PDF attachment (bukod pa sa base Message entitlement nito) at/o dagdagan ang pinagsama-samang laki ng mga file kada Message (hanggang 10 MB ang kabuuan kada Message).

Ang (mga) Add-on ay mga karagdagang feature na nauugnay sa produkto at maaaring kumuha ng license ang Customer para sa mga ito, gaya ng tinukoy sa Sales Order.

Ang Addressable Audience ay ang audience ng mga Addressable Profile. Ang Addressable Audience ay isang Shared Feature.

Ang mga Addressable Profile ay mga Profile na available sa Profile Service at handa nang i-activate gamit ang anumang nakakonektang solution. Ang mga Addressable Profile ay isang Shared Feature.

Ang Ad Hoc Query ay ad hoc (select) query na ginawa gamit ang Query Service Editor, PSQL client, o AI/ML notebook, kung naaangkop. Ang Ad hoc Query ay isang Shared Feature.

Ang Adobe Experience Manager Assets Essentials ay collaborative workspace para mag-store, tumuklas, at mamahagi ng mga digital asset.

Ang Adobe Experience Manager Cloud Service Storage ay kabuuang pinagsamang storage na available sa anumang oras para sa lahat ng aktibong data at content sa Adobe Experience Manager Assets Essentials.

Ang Adobe Experience Platform ay isang bukas at napapalawak na koleksiyon ng mga serbisyo na nagbibigay-daan sa Customer na gumawa at mamahala ng mga Profile na maaaring gamitin sa pagkilos gamit ang iba’t ibang source sa buong enterprise nito, at magsuri ng data upang makakuha ng mga insight at makapaghatid ng mga personalized na experience.

Ang Advanced Enterprise Source Connectors ay mga advanced na enterprise source connector na nakalista sa Experience League Documentation dito: https://experienceleague.adobe.com/en/docs/experience-platform/sources/home#advanced-enterprise-sources.

Ang AEP Growth Credit ay unit ng entitlement na lisensiyado ng Customer at maaaring gamitin para sa AEP Growth Credit-Eligible Services alinsunod sa naaangkop na mga rate ng paggamit na nakasaad dito: https://experienceleague.adobe.com/en/docs/experience-platform/landing/license/growth-credits-usage.

Ang Add-on ng AEP Growth Credits ay Adobe Experience Platform Add-on kung saan kumukuha ng license ang Customer para sa AEP Growth Credits na gagamitin sa AEP Growth Credit-Eligible Services.

Ang Mga Kuwalipikadong Serbisyo ng AEP Growth Credit ay mga produkto, serbisyo, feature, workflow, capability, o alok ng Adobe Experience Platform na itinalaga ng Adobe bilang kwalipikadong gamitin kasama ng AEP Growth Credits, gaya ng nakalista rito: https://experienceleague.adobe.com/en/docs/experience-platform/landing/license/growth-credits-usage.

Ang Lahat ng Channel ay Journey Optimizer Add-on na kinabibilangan ng Outbound Delivery, Mobile, at Web Add-on.

Ang Assets Essentials User ay User na maaaring gumamit o mag-access sa lahat ng capability ng Adobe Experience Manager Assets Essentials para magsagawa ng mga operasyon sa pamamahala ng asset, kabilang ang maramihang pag-upload, pagsusuri at pag-apruba ng mga asset, at pamamahala sa mga digital asset.

Ang Batch Segmentation Job ay request para isagawa ang pagsusuri sa mga tinukoy na segment para sa lahat ng umiiral na Profile, na maaaring simulan o iiskedyul sa pamamagitan ng mga Adobe Experience Platform API, Adobe Experience Platform UI, o anumang integrated solution. Posibleng abutin nang hanggang pitong oras bago makumpleto ang mga Batch Segmentation Job. Ang mga Batch Segmentation Jobs ay isang Shared Feature

Ang BCC (Blind Carbon Copy) ay kaparehong kopya ng isang Message na ipinapadala sa pamamagitan ng email sa isang addressee (Customer), na hindi nakikita ng Recipient bilang pangunahing addressee.

Ang mga Brand ay capability sa Generate Content para iayon ang content sa brand na maaaring gamitin ng Customer upang bumuo ng content na sumusunod sa itinakdang alituntunin ng brand nito, kabilang ang tono, mensahe, at visual identity.

Ang Campaign Workflow Execution ay ang kabuuang bilang ng mga workflow run na may kahit isang aktibidad ng paghahatid ng komunikasyon sa mga consumer ng Customer. (hal., ang Campaign Workflow Execution na tumatakbo kada oras ay katumbas ng 24 na execution kada araw). Kinakalkula ang mga buwanang average sa rolling basis.

Ang (mga) Channel ay magkakahiwalay na paraan ng pakikipag-ugnayan sa pagitan ng Customer at mga Recipient na sumusuporta sa native na pag-akda, paghahatid, at pag-uulat ng mga Message. Kabilang sa mga sinusuportahang Channel ang email, push, SMS, MMS, RCS, iOS Live Activities, content card, at web, pero hindi limitado sa mga ito.

Ang Computed Attribute ay pinagsama-samang behavioral data ng Profile batay sa mga experience event, na kino-convert bilang attribute ng Profile at maaaring isama sa isang Profile.

Ang Concurrent Non-Adobe Sources ay bilang ng mga non-Adobe data source na maaaring i-link ng Customer sa Adobe Experience Platform nang magkakasabay. Ang mga Concurrent Non-Adobe Source ay isang Shared Feature.

Ang Consumer User ay User na maaaring mag-browse, pumili, at gumamit ng mga asset sa pamamagitan ng feature na Asset Selector ng Adobe Experience Manager Assets Essentials, na ina-access gamit ang user interface ng Journey Optimizer.

Ang mga Custom Action ay mga connection na kino-configure ng Customer sa mga external na destinasyon para magpadala o tumanggap ng mga Message o API call.

Ang Data Lake ay ang analytical data store sa loob ng Adobe Experience Platform.

Ang Data Landing Zone ay isang cloud-based na pasilidad para sa pansamantalang pag-store ng mga file na ibinibigay kasama ng Adobe Experience Platform at maaaring piliing gamitin ng Customer para maglipat ng data papasok at palabas ng Adobe Experience Platform. Ang mga Data Landing Zone ay isang Shared Feature.

Ang Decision ay hanay ng mga pamantayang tumutukoy sa pagpili ng pinakamainam na content sa isang Message para sa isang Profile batay sa mga panuntunan sa pagiging kwalipikado, lohika, at constraint.

Ang Decisioning ay Journey Optimizer Add-on na nagbibigay-daan sa Customer na tukuyin, pamahalaan, at maghatid ng mga Decision.

Ang Mga Deliverability Fundamental ay mga serbisyo para sa deliverability sa paunang yugto ng pag-init ng IP ng bawat bagong Production Instance para sa onboarding ng bagong customer, na maaaring kabilang ang: (1) pagtatasa sa kasalukuyang plano sa marketing at paggawa ng naka-customize na kalendaryo ng unti-unting pagpapataas ng pagpapadala batay sa mga kasalukuyang gawain, data, volume, at frequency ng pagpapadala ng email ng Customer; (2) pagtukoy sa mga angkop na domain at bilang ng IP address na gagamitin; at (3) mga rekomendasyon para sa mga pagbabago sa kalendaryo batay sa pagsusuring gumagamit ng mga sukatan sa pagsubaybay ng performance at reputasyon.

Ang Deliverability Package ay Add-on package na kaugnay ng naaangkop na lisensiyadong alok para sa deliverability, na tinukoy sa talahanayan sa itaas bilang Deliverability Essentials, Deliverability Enhanced, o Deliverability Plus. Nag-aalok ang bawat Deliverability Package ng mga karagdagang serbisyo para sa deliverability, na hindi saklaw ng mga serbisyong kasama sa license ng Adobe Journey Optimizer at tinukoy bilang Deliverability Fundamentals. Puwedeng bumili ang Customer ng maximum na isang Deliverability Package para sa bawat license ng Adobe Journey Optimizer.

Ang (mga) Domain Delegation ay bilang ng mga itinalagang domain ng Customer na nangangailangan ng suporta mula sa Adobe kaugnay ng mga email Journey.

Ang Edge Segmentation ay pag-update ng pagiging kasapi ng isang Person Profile sa Edge Profile Service habang pumapasok ang bagong data sa Segmentation Service na tumatakbo sa Adobe Experience Platform Edge Network. Sinusuri ang pagiging kasapi sa segment batay sa kasalukuyang mga attribute ng Person Profile sa Edge Profile Service, sa value ng kasalukuyang event, at sa mga event mula sa nakaraang isang araw. Ang Edge Segmentation ay isang Shared Feature.

Ang Engageable Audience ay audience ng mga Engageable Profile.

Ang Engageable Profile ay talaan ng impormasyong kumakatawan sa isang indibidwal sa Profile Service, na sinubukan ng Customer na makaugnayan sa nakalipas na 12 buwan gamit ang mga capability ng Journey Optimizer para sa pag-akda, decisioning, paghahatid, experimentation, o orchestration. Kasama sa bilang ng Engageable Profile ng Customer ang mga Pseudonymous Profile na sinubukan nitong makaugnayan gamit ang mga capability ng Adobe Journey Optimizer para sa pag-akda, decisioning, paghahatid, experimentation, o orchestration, hangga’t nananatili ang mga Pseudonymous Profile na iyon sa Profile Service. Para malinaw, kung hindi maiugnay ang isang Pseudonymous Profile sa isang Directly Identifiable Profile sa loob ng itinakdang panahon ng pag-expire ng data ng Pseudonymous Profile, ide-delete ang Pseudonymous Profile na iyon mula sa Profile Service at aalisin sa bilang ng Engageable Profile ng Customer mula sa petsa ng pagkaka-delete nito.

Ang Flexible Batch Segmentation Job ay Batch Segmentation Job na puwedeng simulan ng Customer anumang oras. Maaaring abutin nang hanggang apat na oras bago makumpleto ang Flexible Batch Segmentation Job.

Ang Mag-generate ng Content ay pagbuo ng HTML email, text, larawan, at mga variant gamit ang prompt para sa mga channel ng email, Push, SMS, MMS, RCS, at web. Ang Mag-generate ng Content ay isang Generative AI Feature.

Ang Generative AI Feature ay binibigyang-kahulugan sa Mga Tiyak na Tuntunin sa Paglilisensiya para sa Mga Generative Artificial Intelligence Feature ng Adobe, na makikita sa https://www.adobe.com/legal/terms/enterprise-licensing/genai-ww.html.

Ang High Throughput Transactional Messaging ay Adobe Journey Optimizer Add-on na available sa Campaigns at nagbibigay ng mas mataas na throughput at reliability para sa mga transactional Message na na-trigger ng API, ipinapadala sa pamamagitan ng email o push Channel, at hindi tumutukoy sa Profile Service. Gumagamit ang High Throughput Transactional Messaging ng hiwalay na imprastraktura at sumusuporta sa hanggang 5,000 transactional Message kada segundo na na-trigger ng API. Makakatanggap ang Customer ng karagdagang IPv4 Address batay sa lisensiyadong volume ng Add-on nito.

Ang Identity Graph ay mga naobserbahang ugnayan sa pagitan ng isa o higit pang entity na natukoy na tumutukoy sa iisang indibidwal.

Ang Identity Service ay isang serbisyo sa Adobe Experience Platform na gumagawa at namamahala ng mga Identity Graph. Ang Identity Service ay isang Shared Feature.

Ang Instance ay iisang instance ng Adobe Experience Platform na nauugnay sa isang Adobe Experience Cloud Organization (IMSOrg) at naka-provision para sa Customer. Ang Instance ay isang Shared Feature. 

Ang IPv4 Address ay natatanging identifier ng mga email stream na ginagamit para makapagpadala ng mga Message sa pamamagitan ng email Channel. Itinakda ang lisensiyadong bilang ng IPv4 Address para masuportahan ang naaangkop na Peak Volume ng mga Message kada oras (para lang sa pagpapadala ng mga email).

Ang Journey ay koleksiyon ng mga orchestration object na sumasaklaw sa Journey Event, Message, o Custom Action.

Ang mga Journey Event ay API call na ginagamit para simulan, isulong, o tapusin ang mga Journey (kabilang ang, pero hindi limitado sa, mga API call sa pagitan ng Journey Optimizer at Real-time Customer Data Platform, Adobe Experience Platform Activation, mga Adobe solution, o mga third-party service).

Ang Loyalty Challenge ay hanay ng mga gawain, aktibidad, kundisyon, pamantayan, o iba pang requirement na tinutukoy at kino-configure ng Customer at kailangang kumpletuhin ng isang indibidwal upang maging kwalipikado sa reward, insentibo, benepisyo, o iba pang alok na itinalaga ng Customer.

Ang Marketing Program ay object na may tinukoy na Message at target na segment, na isinasagawa sa pamamagitan ng available na Channel.

Ang Message ay object na ginawa at inihatid ng Customer gamit ang Journey Optimizer.

Ang Message Export ay Add-on na nagbibigay-daan sa Customer na i-export ang content ng Message sa JSON format para sa mga Message na ipinadala gamit ang email o SMS. Pinananatili ang mga Message nang hanggang pitong araw mula sa oras ng pagpapadala sa mga ito.

Ang Mobile ay Journey Optimizer Add-on na nagbibigay-daan sa Customer na gumawa at maghatid ng mga Message gamit ang mga in-app notification, push notification, content card, iOS Live Activities, inbox, at code-based Channel, gaya ng nakadokumento sa Experience League dito: https://experienceleague.adobe.com/en/docs/journey-optimizer/using/channels/gs-channels.

Ang mga Non-production Profile ay mga Profile na maaari lang i-deploy sa mga Non-production Sandbox para sa development at testing.

Ang Non-production Sandbox ay Sandbox na maaari lang gamitin para sa development at testing gamit ang mga Non-production Profile. Sinusuportahan ng mga Non-production Sandbox ang volume ng Non-production Engageable Profile at Non-production Addressable Profile na hanggang 10% ng nakakontratang Engageable Audience at Addressable Audience na lisensiyado ng Customer. Ibinibigay ang mga Non-production Profile bukod pa sa mga nakakontratang Engageable Audience at Addressable Audience na lisensiyado ng Customer. May entitlement ang Customer sa hanggang 1 Batch Segmentation Job kada araw para sa bawat Non-production Sandbox.

Ang Outbound Delivery ay Journey Optimizer Add-on na nagbibigay-daan sa Customer na gumawa at maghatid ng mga Message gamit ang email, push notification, at direct mail Channel, gaya ng nakadokumento sa Experience League dito: https://experienceleague.adobe.com/en/docs/journey-optimizer/using/channels/gs-channels. Kasama sa Outbound Delivery ang Deliverability Fundamentals.

Ang Pinakamataas na Volume ay pinakamataas na peak capacity sa isang partikular na oras, na nalalapat sa pinagsama-samang bilang ng mga Message, Journey Event, o Offer Decision na ipinadala sa lahat ng Sandbox at Marketing Program, at hindi nalalapat nang magkahiwalay sa bawat Sandbox o Marketing Program na isinasagawa nang sabay-sabay. Maaaring bumaba ang Peak Volume kapag hindi sinunod ang Performance Guardrail o ang mga limitasyon sa performance ng mga source at destinasyon ng data ng Customer.

Ang mga Performance Guardrail ay mga limitasyon sa paggamit na may kaugnayan sa saklaw ng iminungkahing use case ng Customer. Kung lumampas ang Customer sa isang Performance Guardrail, maaaring bumaba ang performance; hindi mananagot ang Adobe sa naturang pagbaba ng performance.

Ang Personalization Field ay field sa loob ng isang Message na maaaring baguhin para sa bawat Recipient.

Ang Profile ay talaan ng impormasyong kumakatawan sa isang indibidwal (kabilang ang Directly Identifiable Profile at Pseudonymous Profile), ayon sa pagkakalarawan nito sa Profile Service. Maaaring kabilang sa data ng isang Profile ang data tungkol sa mga attribute, gawi, at pagiging kasapi ng indibidwal sa mga segment. Tinutukoy ang volume ng Profile batay sa default na deterministic Identity Graph na kasama sa Journey Optimizer.

Ang Patakaran sa Pag-merge ng Profile ay mga panuntunang ginagamit ng Profile Service para tukuyin kung paano pagsasamahin ang data mula sa iba’t ibang source upang makabuo ng mga pinag-isang Profile. Hindi puwedeng gamitin ang Profile Merge Policy bilang pamalit sa mga Sandbox kapag kailangan ng lohikal na paghihiwalay para ihiwalay ang data at mga operasyon. Ang Mga Patakaran sa Pag-merge ng Profile ay isang Shared Feature.

Ang Profile Service ay data store sa loob ng Adobe Experience Platform kung saan ginagawa at naka-store ang mga Profile. Ang Profile Service ay isang Shared Feature.

Ang Pseudonymous Profile ay pinagsamang Profile na walang Directly Identifiable Information.

Ang Ad Hoc Query Service ay isang serbisyo sa Adobe Experience Platform na nagbibigay-daan sa Customer na gumamit ng standard SQL para mag-query at mag-transform ng data sa Adobe Experience Platform. Ang Query Service ay isang Shared Feature.

Ang Query Service User ay sinumang User na kumokonekta sa Query Service gamit ang PSQL sa pamamagitan ng user interface ng Query Service sa Adobe Experience Platform, AI/ML notebook, Experience Platform API, o anumang compatible na external system para sa data analysis, data exploration, o data processing.

Ang Recipient ay end user na tumatanggap ng Message ng Customer sa pamamagitan ng anumang available na Channel.

Ang Relational Datastore ay data store sa loob ng Adobe Experience Platform na nag-iimbak ng Profile at non-Profile data sa relational model, kung saan nakaayos ang data sa mga paunang tinukoy na talahanayan na magkakaugnay sa pamamagitan ng mga tinukoy na ugnayan.

Ang Sandbox ay lohikal na paghihiwalay sa loob ng instance ng Customer ng anumang Adobe On-demand Service na nag-a-access sa Adobe Experience Platform, na naghihiwalay sa data at mga operasyon. Puwedeng gamitin ang mga Sandbox para sa production o bilang Non-production Sandbox. Ibinabahagi ng mga Sandbox na ginagamit para sa production ang mga awtorisadong Entitlement ng pangunahing production system ng Journey Optimization (na sinusukat nang pinagsama-sama sa lahat ng Sandbox ng Customer na ginagamit para sa production). Ibinabahagi ng mga Non-production Sandbox ang mga awtorisadong Entitlement na tinukoy para sa mga non-production use case (na sinusukat nang pinagsama-sama sa lahat ng awtorisadong Non-production Sandbox ng Customer). Ang mga Sandbox ay isang Shared Feature.

Schema - Ang schema ay ang blueprint ng data

Ang Segmentation Service ay serbisyo sa loob ng Adobe Experience Platform na nagbibigay-daan sa Customer na gumawa at mamahala ng mga segment ng Profile nito. Ang Segmentation Service ay isang Shared Feature.

Ang Send Time Optimization ay proseso kung saan ginagamit ang machine learning para tukuyin ang pinakamainam na oras ng pagpapadala ng Message upang maparami ang mga pag-click o pagbubukas.

Ang Shared Feature ay isang feature o functionality at ang mga kaugnay nitong limitasyon na pinagsasaluhan (ibig sabihin, hindi pinagsasama-sama) ng lahat ng naaangkop na Produkto at Serbisyo ng Customer na nakabatay sa Adobe Experience Platform at ikinuha ng license ng Customer. Kung nagbibigay ng mas mataas na limitasyon ang alinman sa iba pang naaangkop na Produkto at Serbisyo ng Customer na nakabatay sa Adobe Experience Platform—dahil mas mataas ang batayang limitasyon o dahil kumuha ng license ang Customer para sa available na Add-on—ilalapat ang pinakamataas na limitasyon sa lahat ng naaangkop na Produkto at Serbisyo ng Customer na nakabatay sa Adobe Experience Platform.

Ang Streaming Segmentation ay streaming ingestion papunta sa Profile Service at pag-update sa pagiging kasapi ng mga segment para sa isang Profile habang pumapasok ang bagong data sa Segmentation Service sa pamamagitan ng streaming flow. Sinusuri ang pagiging kasapi sa segment batay sa kasalukuyang mga attribute ng Profile at sa mga event sa nakalipas na 24 oras na nauugnay sa Profile. Ang Streaming Segmentation ay isang Shared Feature.

Ang Transactional Messaging ay kakayahang pamahalaan ang mga trigger Message nang real time. Tatawaging Transactional Message ang mga real-time Message na ito, ayon sa depinisyon dito.

Ang Web ay Journey Optimizer Add-on na nagbibigay-daan sa paggawa at paghahatid ng mga Message gamit ang in-app para sa web, content card, web push, at code-based Channel, gaya ng nakadokumento sa Experience League dito: https://experienceleague.adobe.com/en/docs/journey-optimizer/using/channels/gs-channels.

Adobe, Inc.

Makakuha ng tulong nang mas mabilis at mas madali

Bagong user?