Mga Use Case
Tuklasin ang mga feature, access options, at real-world use case ng Acrobat para sa ChatGPT connector.
Pinapahintulutan ka ng Adobe Acrobat connector sa ChatGPT na magtrabaho sa mga PDF nang direkta sa loob ng chat. Gamitin ang mga natural language command para sa:
- Gumawa at mag-edit ng mga PDF
- Kumuha ng impormasyon mula sa mga scanned file
- Pagsama-samahin, hatiin, at i-redact ang mga file
Access at availability
Para ma-access at magamit ang Acrobat sa ChatGPT, i-enable ang Adobe Acrobat connector sa pamamagitan ng pag-navigate sa inyong profile icon > Settings > Apps & Connectors. Piliin ang Adobe Acrobat tile, pagkatapos piliin ang Connect, at mag-sign in sa inyong Adobe ID kapag nag-prompt. Accessible ang Acrobat connector sa lahat ng ChatGPT users, kasama ang mga nasa libreng plan.
Kapag na-enable na ang Acrobat connector, simulan lang ang inyong prompt ng "Adobe Acrobat," at awtomatikong mag-aactivate ang connector at hahandlein ang inyong request.
Alamin kung paano mag-edit at mag-ayos ng mga PDF gamit ang Adobe Acrobat sa ChatGPT.
Hindi available ang connector sa European Economic Area (EEA), Switzerland, at United Kingdom.
Mga feature ng Adobe Acrobat connector
Nag-aalok ang Adobe Acrobat connector ng mga makapangyarihang tool na nagpapataas ng produktibidad, tulad ng:
- Pag-edit ng content: I-edit ang nilalaman ng PDF para makagawa ng propesyonal at naipapamahaging mga dokumento.
- Redaction: Alisin ang sensitive na impormasyon mula sa mga dokumento nang may precision.
- OCR technology: Kumuha ng impormasyon mula sa mga scanned document nang may mataas na accuracy gamit ang Optical Character Recognition (OCR).
- PDF organization: Hatiin o pagsama-samahin ang mga PDF habang pinapanatili ang kanilang orihinal na layout at istraktura.
- PDF creation: Agarang gumawa ng polished, compressed na mga PDF nang hindi nawawala ang formatting o quality.
Pag-save at pagbabahagi ng mga dokumento
Hindi awtomatikong nase-save sa inyong Adobe account ang content na ginawa o na-edit gamit ang Adobe Acrobat connector. Para i-save ang inyong trabaho, piliin ang Open in Acrobat sa loob ng ChatGPT at manual na i-save ang file sa Adobe cloud storage.
|
|
Mga Prompt |
|---|---|
|
Travel Itinerary Pack |
Adobe Acrobat, pagsamahin ang mga flight ticket, hotel booking, at car rental confirmation sa isang PDF I-compress para sa madaling pagbabahagi. |
|
Client Proposal Pack |
Adobe Acrobat, pagsamahin ang mga proposal PDF sa isang file, i-reorder ang mga pahina para mauna ang presyo, at i-compress para sa email-friendly na pagbabahagi. |
|
Deal Packet Assembly |
Adobe Acrobat, i-merge ang pitch deck, case study, at mga SOW PDF, at i-split ang SOW sa sariling section sa dulo. |
|
Sales Review Brief |
Adobe Acrobat, i-extract ang mga key deal information sa summary PDF, i-insert bilang unang page, at i-merge sa isang file. |
|
Quarterly Sales Insights |
Adobe Acrobat, pagsamahin ang mga regional PDF sa isang file at i-reorder: US > EMEA > APAC. |
|
RFP Response Prep |
Adobe Acrobat, pagsamahin ang lahat ng RFP attachment sa isang PDF at ihiwalay ang pricing appendix sa hiwalay na PDF. |
|
Creative Brief Rebuild |
Adobe Acrobat, i-split ang mahabang brief sa Strategy, Audience, at Deliverables, at i-reorder ang mga section ayon sa priority. |
|
I-redact ang mga Legal Document |
Adobe Acrobat, i-redact ang sensitive information mula sa legal document at i-download ang secure na version. |
|
Social Asset Review |
Adobe Acrobat, pagsamahin ang lahat ng social mock-up sa isang PDF at ayusin ayon sa channel: IG > TikTok > X. |
|
Mga Pangunahing Natutuhan mula sa Meeting Notes |
Adobe Acrobat, kunin ang mga pangunahing natutuhan at susunod na hakbang mula sa meeting notes, at gumawa ng draft na email summary. |
|
I-rotate ang mga Storyboard |
Adobe Acrobat, i-rotate nang patayo ang mga page 8, 9, at 10, at alisin ang page 2 mula sa storyboard. |
|
Expense Packet |
Adobe Acrobat, pagsamahin ang mga na-scan na resibo sa isang PDF, mag-apply ng OCR, at pagsama-samahin ang mga page ayon sa vendor. |
|
Travel Expense Report |
Adobe Acrobat, pagsamahin ang mga na-scan na resibo, mag-apply ng OCR, at kunin ang mga total sa summary page. |
Security at privacy
Inuuna ng Adobe ang privacy ng user at seguridad ng data. Dinisenyo ang Acrobat connector para protektahan ang sensitibong impormasyon sa mga proseso tulad ng redaction at document editing. Sumusunod ang Adobe sa mga pamantayan ng industriya at mga regulasyon para protektahan ang data ng user.