Kung gumagamit ka ng genuine na Adobe Content Synchronizer

Last updated on Okt 17, 2025

Alamin kung paano tingnan kung genuine ang kopya ng Adobe Content Synchronizer o CoreSync.exe na gumagana sa Windows mo.

Hindi dapat magpakita ang Adobe Content Synchronizer ng mataas na CPU usage, at kung ganito ang ipakita nito, posibleng hindi genuine ang kopyang pinapagana mo. Sundin ang mga hakbang na ito para alamin kung genuine ang CoreSync.exe na gumagana sa machine mo.

I-right click ang taskbar at pindutin ang Task Manager.

Pindutin ang Details tab. 

Hanapin ang CoreSync.exe sa listahan.

I-right click ang CoreSync.exe at pindutin ang Open file location.

Note

Kailangang isa lang ang process na gumagana sa Task Manager na tinatawag na CoreSync.exe. Kung may nakikita kang mahigit sa isang CoreSync.exe, tingnan ang lahat ng lokasyon ng file.

Tingnan kung makikita ito sa C:\Program Files (x86)\Adobe\Adobe Sync\CoreSync.

Kung magkaiba ang lokasyon, hindi genuine ang kopya ng Adobe Content Synchronizer mo, at posibleng na-compromise. Alamin ang dapat gawin kung hindi genuine ang kopya ng CoreSync.exe mo.