Hindi ma-launch ang mga app dahil sa subscription error

Last updated on Okt 17, 2025

Alamin kung paano lutasin ang mga pagkaantala sa pag-launch ng mga app ng Creative Cloud mo dahil sa “Renew your subscription” error.

Nagdudulot ng pagkaantala sa pag-launch ng app ang mga isyu sa pag-activate

Kapag sinubukan mong buksan ang isang application ng Adobe Creative Cloud, posible kang makakita ng message na "Renew your subscription" kahit pa may updated subscription ka na. Para lutasin ang isyung ito, mag-sign out at pagkatapos ay mag-sign un ulit sa desktop app ng Creative Cloud.

Pindutin ang Account icon sa kanang sulok sa itaas, at pagkatapos ay pindutin ang Sign out.

Nagbibigay ng opsyon na mag-sign out sa desktop app ng Creative Cloud ang Account menu button na available sa kanang sulok sa itaas.
Kapag nag-sign out ka sa desktop app ng Creative Cloud, masa-sign out ka sa lahat ng app mo.

Mag-sign in sa account mo at buksan ulit ang app mo.

Kung nakikita mo pa rin ang error, pindutin ang License this software sa error message

Tingnan kung naka-set sa tamang oras ang system clock mo:

Kung hindi naproseso ang licensing, maghintay nang ilang minuto at pagkatapos ay pindutin ang Try again.