Hindi ilulunsad ang mga app dahil sa mga nawawalang DLL file

Huling na-update noong Okt 17, 2025

Alamin kung paano lutasin ang mga error na "Missing msvcp110.dll file” ay “Missing msvcr110.dll file”.

Sa pag-launch ng mga 64-bit version ng ilang app ng Adobe, gaya ng Photoshop, Illustrator, at Premiere Pro, posible kang makakita ng error na nawawala ang msvcp110.dll o msvcr110.dll file. Nangyayari ito kapag hindi maayos na na-install sa computer mo ang mga redistributable file ng Visual C++.

Hindi updated ang desktop app ng Creative Cloud

Puwede mong lutasin ang error sa pamamagitan ng pag-download at pag-install sa pinakabagong bersyon ng desktop app ng Creative Cloud:

Pumunta sa download page ng Creative Cloud at pindutin ang I-download ang Creative Cloud.

I-double clock ang na-download na file para simulan ang pag-install:

  • macOS: Creative_Cloud_Installer.dmg
  • Windows: Creative_Cloud_Set-Up.exe

Sundin ang mga on-screen instruction para kumpletuhin ang pag-install mo.

Pagkatapos i-install, mag-sign in ulit sa mga app.

Hindi maayos na na-install ang mga redistributable file ng Visual C++

Kung hindi nalutas ang mga error sa pag-install ng pinakabagong bersyon ng desktop app ng Creative Cloud, i-reinstall ang mga redistributable file ng Visual C++:

Sa seksyon na Latest Microsoft Visual C++ Redistributable Version, pindutin ang download link batay sa kung 32-bit o 64-bit ang OS mo.

Pumunta sa downloads folder at i-launch ang na-download na EXE file.

I-restart ang computer mo.

Buksan ulit ang app.