Nagka-crash ang desktop app ng Creative Cloud sa pag-launch

Last updated on Okt 17, 2025

Alamin ang dapat gawin kapag nag-crash kaagad ang desktop app ng Creative Cloud pagkatapos i-launch.

Kapag ni-launch mo ang desktop app ng Creative Cloud, lumalabas ito sa Taskbar (Windows) at Dock (macOS) pero nagsasara din pagkatapos nang walang error message. Para lutasin ang isyung ito, sundin ang mga solusyong ito sa ibinigay na pagkakasunod-sunod.

Nawawala ang mga kinakailangang pahintulot

Kung hindi mo pa ibinigay ang mga kinakailangang pahintulot sa Adobe folder sa computer mo, posibleng mag-crash ang desktop app ng Creative Cloud kapag ni-launch ito. Para lutasin ang isyung ito, sundin ang mga hakbang na ito para sa operating system mo:

Corrupted ang mga file ng desktop app ng Creative Cloud

Kung nagka-crash agad ang desktop app ng Creative Cloud pagkatapos i-launch, posibleng corrupted o damaged ang mga file para sa pag-install. Para lutasin ang isyung ito:

I-uninstall ang desktop app ng Creative Cloud.

I-download at i-install ang bagong kopya ng desktop app ng Creative Cloud.

Nagdudulot ang mga isyu sa system ng pag-crash ng desktop app ng Creative Cloud

Isang nararanasang isyu sa system mo ang posibleng nagdudulot na mag-crash ang desktop app ng Creative Cloud. Para lutasin ito:

I-restart ang system m sa safe mode.

Note

Alamin kung paano i-restart ang system mo sa safe mode sa Windows at macOS.

Kung gumagana ang app sa safe mode, i-restart ang system mo sa normal mode.