Buksan ang desktop app ng Creative Cloud.
Alamin kung paano ayusin ang mga isyu kapag ayaw magbukas o agad na nagka-crash ang mga app ng Creative Cloud kapag sinusubukan mong buksan ang mga ito.
Kung sandaling lumabas ang window ng app ng Creative Cloud at nag-exit nang walang lumabas na error message, madalas na dulot ito ng isang nakabinbing update. Karaniwang nangyayari ang ganitong isyu kapag nangangailangan ng update ang mga app ng Creative Cloud o desktop app ng Creative Cloud.
Pansamantalang nakararanas ng glitch ang desktop app ng Creative Cloud
Posibleng may pansamantalang glitch na pumipigil sa pag-launch ng app mo. Para lutasin ang isyung ito, mag-sign out at pagkatapos at mag-sign in ulit.
Pindutin ang Account icon sa kanang sulok sa itaas, at pagkatapos ay pindutin ang Sign out.
Kapag na-sign out ka, mag-sign in ulit sa desktop app ng Creative Cloud.
Buksan ulit ang app ng Creative Cloud.
Outdated na ang bersyon ng desktop app ng Creative Cloud
Posibleng outdated na ang desktop app ng Creative Cloud mo. I-update ang app para lutasin ang ganitong isyu.
Buksan ang desktop app ng Creative Cloud at pumunta sa Updates window.
Sa Updates window, pindutin ang Check for updates.
Kung hindi mo ginagamit ang pinakabagong bersyon ng desktop app ng Creative Cloud, makakita ka ng prompt para mag-update. Pindutin ang Update para i-install ang pinakabagong bersyon.
Kapag na-update na, buksan ulit ang app ng Creative Cloud.
Outdated na ang bersyon ng app ng Creative Cloud
Posibleng maging dahilan ng pag-crash ng app ng Creative Cloud mo ang pagkakaroon ng outdated na bersyon. I-update ang app mo para lutasin ang isyung ito.
Buksan ang desktop app ng Creative Cloud at pumunta sa Updates screen.
Pindutin ang Update para sa nag-crash na app ng Creative Cloud.
Kapag na-update na, buksan ulit ang app ng Creative Cloud mo.
Outdated ang mga bersyon ng iba pang app ng Creative Cloud
Posible ring dulot ng mga outdated na bersyon ng iba pang app ng Creative Cloud ang isyung ito. I-update ang iba pang app ng Creative Cloud mo para lutasin ang isyung ito.
Buksan ang desktop app ng Creative Cloud at pumunta sa Updates screen.
Pindutin ang Update para sa iba pang app ng Creative Cloud na ginagamit mo.
Halimbawa, kung nagka-crash ang Photoshop at na-update mo na ito, subukang i-update ang iba pang app ng Creative Cloud na ginagamit mo (gaya ng InDesign at Premiere Pro).
Kapag na-update na, buksan ang app ng Creative Cloud kung saan ka nakararanas ng mga isyu.