Last updated on Peb 12, 2025

Nagtataka ka ba kung ano ang mga generative credit, ilan ang ganito mo sa account mo, at kung paano mo puwedeng gamitin ang mga ito? Kami ang bahala sa iyo.

Mga kamakailang update sa page na ito

  • Pebrero 2025
    • Pagdaragdag ng mga subscription sa Adobe Firefly Plus at Adobe Firefly Premium
    • Detalyadong rate card para sa mga generative feature

Mga madalas itanong

Note:

Magiging available ang iyong impormasyong partikular sa plan sa iyong Adobe account management page, kung saan mo puwedeng i-review ang alokasyon, paggamit, at experience mo sa generative credit kapag naubos mo na ang mga generative credit mo. 

Ang Generative AI ay isang uri ng artificial intelligence na nagpapahusay ng creativity sa pamamagitan ng paggawa ng mga kahanga-hangang resulta mula sa mga simpleng prompt. Ang mga generative AI feature na pinapagana ng Firefly ay available na sa aming mga core creative tool at sa standalone na Firefly website. Nagsimula kami sa mga image, text effect, at vector, sa Generative Fill at Generative Expand sa Adobe Photoshop, Text to Image sa Adobe Firefly, Generative Recolor sa Adobe Illustrator, Mag-generate ng Text Effects sa Adobe Express, at marami pa. Dinala na namin ang generative AI na hatid ng Firefly sa 3D, animation, at video sa Mag-generate ng Video at Isalin at I-lip Sync sa Adobe Firefly. Sa bawat groundbreaking na generative AI feature, naa-unlock ang mga bagong creative na posibilidad, na nagbibigay ng kakayahan sa mga user na maglaro, mag-eksperimento, mangarap, at gumawa ng ekstraordinaryo.

1. Ano ang mga generative credit?

Sa pamamagitan ng mga generative credit, mae-enable ang paggamit ng iba’t ibang generative AI feature na pinapagana ng Firefly at iba pang partikular na generative AI feature sa mga application na puwede mong gamitin. Nare-reset kada buwan ang mga bilang ng generative credit at hindi naro-roll over ang mga hindi nagamit na credit.

2. Bakit gumagamit ang Adobe ng mga generative credit?

Gusto ka naming maglaro, mag-eksperimento, mangarap, at gumawa ng mga ekstraordinaryong bagay gamit ang bagong Adobe Firefly generative AI technology sa aming mga app. Ina-unlock ng bawat groundbreaking feature ang mga bagong creative na posibilidad, mula Text to Image sa Adobe Firefly hanggang Generative Fill sa Adobe Photoshop, Mag-generate ng text effects sa Adobe Express, at higit pa.

Na-update namin ang mga plan namin para mas ma-accommodate ang matataas na computational na gastos na nauugnay sa generative AI content. Ang bawat plan ay may kasama nang buwanang allocation ng mga generative credit, na magagamit mo para gumawa ng generative AI content sa iba’t ibang feature sa Creative Cloud, Adobe Express, at Adobe Substance 3D application. Nag-iiba-iba ang dami ng generative credit na nakalaan sa bawat user depende sa partikular nilang subscription. Nakadepende rin ang pagkonsumo ng mga generative credit sa generative AI feature na ginamit at sa uri ng subscription.

3. Paano nakokonsumo ang mga generative credit?

Nakadepende ang pagkonsumo ng mga generative credit sa computational na gastos sa nabuong output at sa halaga ng ginamit na generative AI feature.

Mga halimbawa ng mga pagkilos kung saan made-debit ka ng mga generative credit:

  • Piliin ang Mag-generate sa Text to Image
  • Piliin angHigit pa sa Generative Fill

Mga halimbawa kung kailan hindi ka made-debit ng mga generative credit:

  • Paggamit sa mga generative AI feature na nakalista sa listahan ng Mga Exception.
  • Pagpili sa Tingnan sa Firefly community dahil hindi bagong pag-generate ang pagbubukas ng art. Pero ide-debit ka ng mga generative credit kung pipiliin mo ang Subukan ang Prompt na mangangailangan ng bagong pag-generate.

Maliban kung nakasaad sa listahan ng mga exception sa ibaba, sa mga partikular na detalye ng subscription, o nasa app user interface, ang paggamit sa mga standard image at vector generative AI feature na hatid ng Firefly sa mga creativity at design application (gaya ng Firefly web app o Photoshop) ay magde-deduct ng 1 generative credit kada generative na aksyon. Ang rate table ng paggamit ng mga generative credit ay nalalapat sa mga indibidwal, team, at enterprise user, maliban kung iba ang hayagang nakasaad.

Ginagamit ang mga Generative AI feature para gumawa o magbago ng content, gaya ng pagpili ng button na Mag-generate o iba pang aksyong may   icon. 

Listahan ng mga exception

Mga feature na hindi nagde-deduct ng anumang credit para sa mga pag-generate – sa loob lang ng limitadong panahon at puwedeng mabago 
  • Adobe Express - Mag-generate ng Text Effects at Clip Maker
  • Adobe Photoshop – Generative Workspace (beta)
  • Adobe Premiere Pro – Generative Extend (beta)
  • Adobe Firefly sa Apple Vision Pro - Text to Image
  • Substance 3D Sampler - Text to Texture
  • Substance 3D Stager - Generative Background
  • Substance 3D Viewer (beta) - Text to 3D at 3D Scene to Image

Mga feature na nagde-deduct ng mahigit 1 credit para sa bawat pag-generate

 

Mag-generate ng Video (beta*), 1080p

100 credit kada segundo
20 credit kada segundo sa loob ng limitadong panahon

Mag-generate ng Video (beta*), 540p 20 credit kada segundo
Isalin ang Video at Isalin ang Audio 5 credit kada segundo
Isalin at I-lip Sync 10 credit kada segundo

Para matanggap ang mga rate ng pagkonsumo na nakalista sa itaas, dapat mong gamitin ang pinakabagong bersyon ng software. Puwedeng mag-iba ang mga rate ng paggamit. Puwedeng mabago ang mga plano.

Mabilis nag-e-evolve ang aming mga generative AI feature. Ia-update ang rate card kasabay ng paglalagay namin ng mga bagong feature at serbisyo. Plano naming mag-alok ng iba't ibang resolution, model, at medium, kabilang ang mga animation at 3D generative AI feature sa hinaharap. Posibleng mas malaki ang bilang ng mga generative credit na makokonsumo sa mga feature na iyon.

* Sa mga Enterprise customer lang available ang mga feature sa ngayon

4. Ilan ang buwanang generative credit na makukuha ko sa plan ko?

Ang lahat ng subscription at libreng plan ay may kasamang bilang ng mga buwanang generative credit na partikular sa plan. Alamin kung ano ang mangyayari kapag naubusan ka.

Mga Creative Cloud for individual plan

Plan Buwanang generative credit
Creative Cloud Lahat ng App 1000

Creative Cloud Single App

  • Illustrator, InDesign, Photoshop, Premiere Pro, After Effects, Audition, Animate, Adobe Dreamweaver, Adobe Stock, Photography 1TB
500

Creative Cloud Single App

  • Creative Cloud Photography 20GB
100

Creative Cloud Single App

  • Lightroom
100

Creative Cloud Single App

  • InCopy, Substance 3D Collection, Substance 3D Texturing, Acrobat Pro
25

Alamin pa ang tungkol sa generative credits para sa mga libreng user ng Creative Cloud, Adobe Firefly, at Adobe Express.

Mga Adobe Stock plan

Plan Buwanang generative credit
Mga bayad na subscription sa Adobe Stock
500

Mga Creative Cloud for education plan

Plan Buwanang generative credit kada user
Higher Education Creative Cloud for enterprise Pro, Student Teacher Edition Creative Cloud Lahat ng App 1000
Higher Education Lahat ng App 500
K-12 Express Premium, K-12 All Creative Cloud Lahat ng App, Higher Education Adobe Express Premium, Creative Cloud Lahat ng App Creative Cloud Single App, Creative Cloud Student Teacher Edition Single App, Adobe Express

250

Creative Cloud Shared Device Access
25

Mga Creative Cloud for teams plan

Plan Buwanang generative credit kada user
Creative Cloud Pro para sa teams Lahat ng App 3000
Creative Cloud para sa teams Lahat ng App 1000

Creative Cloud Pro para sa teams Single App: Photoshop, Illustrator, Premiere Pro, InDesign, After Effects, Audition, Lightroom, Dreamweaver, Animate, InCopy

700

Creative Cloud para sa teams Single App: Photoshop, Illustrator, Premiere Pro, InDesign, After Effects, Audition, Lightroom, Dreamweaver, Animate, InCopy

500

Adobe Express

250
Acrobat Pro, Adobe Substance 3D Collection 25

Enterprise VIP/VIP Marketplace

Plan Buwanang generative credit kada user
Creative Cloud for enterprise Lahat ng App – Edition 4 3000
Creative Cloud for enterprise Mga Single App – Edition 4 700
Creative Cloud for enterprise Lahat ng App – Edition 3, mga Creative Cloud for enterprise Single App – Edition 3, mga Document Cloud only plan, mga Stock only plan 25

Enterprise Term License Agreement (ETLA)

Plan Buwanang generative credit kada user
Creative Cloud for enterprise Lahat ng App – Edition 4 na may Premium Stock

7000

Creative Cloud for enterprise Lahat ng App – Edition 4 3000 
Adobe Express at Firefly site license at mga seat-based license 1200 
Creative Cloud for enterprise Single App – Edition 4, Creative Cloud for enterprise Single App – Edition 4 na may Premium Stock  700 
Adobe Express at Firefly site-wide trial
1200 
Note:

Tingnan ang mga education plan para sa mga buwanang limitasyon sa generative credit para sa mga Education ETLA plan.

Mga bayad na Adobe Express at Adobe Firefly plan

Plan Buwanang generative credit
Adobe Express Premium plan 250
Adobe Firefly Plus plan 2000
Adobe Firefly Premium plan 7000
Adobe Generative Credits Add-on plan* 100

*Wala na ang mga offer na ito.

Mga libreng user ng Creative Cloud, Adobe Firefly, at Adobe Express

Ang mga user na may libreng membership sa Adobe Express, Adobe Firefly, Creative Cloud ay puwedeng bigyan ng limitadong dami ng generative credit nang libre. Sa mga credit na ito, puwedeng ma-access ang mga generative AI feature para makapaglaro, makapag-eksperimento, at makagawa ng mga ekstraordinaryong bagay ang mga user. Pakitandaan na puwedeng mabago ang dami ng credit.

5. Ano ang Adobe Firefly Plus at Adobe Firefly Premium plan?

Ina-unlock ng mga Adobe Firefly plan ang access sa premium generative AI value sa mga creativity at video application (gaya ng Firefly web app o Premiere Pro) nang may suporta sa mas mataas na credit capacity. Kasama rito ang access sa mga generative AI feature sa video at audio gaya ng Mag-generate ng Video at Isalin sa Adobe Firefly. Bilang karagdagan, ang mga subscriber na may bayad na plan sa Firefly ay makakatanggap ng unlimited na access sa mga standard image at vector generation gaya ng Text to Image at Generative Fill, kung saan walang ide-deduct na credit.

Ang lahat ng bayad na subscription at libreng plan ay may kasamang buwanang generative credit at access sa mga generative feature na nakadepende sa plan mo. Kung marami kang subscription, ang kabuuang dami ng generative credit na available ay ang pinagsama-samang credit na kasama sa bawat plan. Alamin kung ano ang mangyayari kapag naubusan ka.

       Firefly na Libre Firefly Plus Firefly Premium Mga Creative Cloud na Single App o Lahat ng App na Plan
Kasama ang Mga App Adobe Firefly Adobe Firefly Adobe Firefly (Mga) CC application, Adobe Firefly
Mga generative credit Limited 2000 kada buwan 7000 kada buwan 25-1000 kada buwan depende sa plan mo
Standard Image at Vector feature Nagde-deduct ng mga credit Unlimited na access, hindi nagde-deduct ng mga credit Unlimited na access, hindi nagde-deduct ng mga credit Nagde-deduct ng mga credit
Mga Video at Audio feature Limitadong kakayahan na subukan ang mga generative feature sa video at audio Nagde-deduct ng mga credit Nagde-deduct ng mga credit Limitadong kakayahan na subukan ang mga generative feature sa video at audio

6. Ano ang limitadong kakayahan na subukan ang mga generative AI feature sa video at audio?

Ang mga user na may Adobe ID ay puwedeng mabigyan ng limitadong pagkakataong masubukan ang mga generative feature sa video at audio nang walang dagdag na babayaran. Kapag tapos na ang limitadong pagkakataon, puwedeng mag-subscribe ang mga user sa isang bagong may bayad na Firefly plan para patuloy na makagawa ng mga generative AI output. Pakitandaan na puwedeng mabago ang limitadong pagkakataon.

7. Paano kung marami akong subscription?

Kung marami kang subscription, ang kabuuang dami ng generative credit na available ay ang pinagsama-samang credit na kasama sa bawat plan. Halimbawa, kung magsa-subscribe ka pareho sa Illustrator at Photoshop single app, magagamit mo ang mga generative credit para sa mga generative AI feature sa alinmang application at maging sa Adobe Express o sa Firefly website. Ang buwanan mong alokasyon sa generative credit ay ang pinagsamang alokasyon sa bawat subscription.

8. Kailan mare-renew ang mga generative credit ko?

Para sa mga customer na may bayad na subscription, nare-renew kada buwan ang mga generative credit batay sa inisyal na petsa ng billing ng plan (Halimbawa, kung nagsimula ang plan sa ika-15 ng buwan, mare-renew ang mga credit sa ika-15 ng bawat buwan).

Para sa mga user na may libreng plan, may mga naka-allocate na generative credit sa unang beses na paggamit ng feature na pinapagana ng Firefly. Halimbawa, isang user ang nag-log in sa Firefly website at gumamit ng Text to Image. Sa panahong iyon, may ia-allocate na takdang dami ng generative credit sa user. Mag-e-expire ang kanyang mga generative credit isang buwan pagkalipas ng petsa ng allocation na iyon. Kung ang unang beses na paggamit ay sa ika-15 ng buwan, mag-e-expire ang mga credit sa ika-15 ng susunod na buwan. Para sa anumang susunod na buwan, may ia-allocate ulit na mga generative credit para sa unang beses na paggamit sa isang feature na pinapagana ng Firefly, at mag-e-expire ang mga naturang credit isang buwan pagkalipas ng bagong petsa ng allocation. Kung ang unang beses na paggamit sa pangalawang buwan ay naganap sa ika-19 ng buwan, mag-e-expire ang kanyang mga credit sa ika-19 ng susunod na buwan. Magbibigay ito sa user ng isang buong buwan para sa bawat allocation ng mga generative credit.

9. Nagro-roll over ba sa susunod na buwan ang mga generative credit?

Hindi, hindi maro-roll over sa susunod na buwan ang mga generative credit dahil naka-fix na ang mga cloud-based na computational resource at nagpapalagay ito ng isang partikular na alokasyon kada user sa isang partikular na buwan. Mare-reset buwan-buwan ang balanse ng generative credit mo sa dami na nakalaan para sa iyo.

10. Paano ko malalaman kung ilan pa ang natitira kong generative credit?

Maa-access ng mga user ang bilang ng kanilang generative credit sa kanilang Adobe account. Ipapakita sa isang counter ang dami ng buwanang generative credit na naka-allocate sa account mo at ang dami ng generative credit na nagamit mo na sa cycle na ito.

Screen na nagpapakita kung paano mo maa-access ang bilang ng generative credit mo sa mismong app.
Piliin ang profile icon mo sa Adobe Accounts page para tingnan ang dami ng generative credit mo.

A. Dami ng generative credit na natitira sa kasalukuyang billing cycle B. Dami ng generative credit na kasama sa plan mo 

11. Ano ang mangyayari kapag naubos ko na ang lahat ng generative credit ko?  

Nare-reset kada buwan ang bilang ng generative credit batay sa billing date ng plan mo. Kapag naabot mo na ang buwanan mong limitasyon, nakalaan sa Adobe ang karapatang limitahan o kontrolin ang paggamit mo ng mga generative AI feature.

Nare-reset kada buwan ang bilang ng generative credit batay sa billing date ng plan mo. Kapag naabot mo na ang buwanan mong limitasyon, nakalaan sa Adobe ang karapatang limitahan o kontrolin ang paggamit mo ng mga generative AI feature.

Kung naabot ng isang user ang limitasyon sa generative credit na partikular sa kanyang plan sa loob ng buwan bago ito ma-reset:

  • Para sa mga user ng Adobe Express at Adobe Firefly Generative Credit Add-On na may bayad na subscription, puwede silang magsagawa ng dalawang generative AI na aksyon para gumawa ng mga vector graphics o standard resolution* image kada araw.
  • Puwedeng mag-upgrade ang mga bayad na subscriber ng Adobe Firefly Plus sa Adobe Firefly Premium o puwede silang maglagay ng karagdagang Firefly Plus plan para sa mas mataas na capacity.
  • Para sa mga libreng user ng Creative Cloud, Adobe Firefly, at Adobe Express, puwede silang mag-subscribe sa isang bagong bayad na plan para patuloy na makagawa ng mga asset na pinapagana ng Firefly.

* Ang standard resolution imagery ay hanggang 2000x2000 pixels. Puwedeng mag-iba ang mga rate ng paggamit. Puwedeng mabago ang mga plano.

12. Ano ang gagawin ko kung nangangailangan ako ng mas maraming generative credit?

  •  Para sa mga bayad na subscriber ng Creative Cloud, Adobe Express, Adobe Firefly Generative Credit Add-On, at Adobe Stock, puwede silang mag-subscribe sa isang bagong may bayad na Firefly plan para patuloy na makagawa ng mga generative AI output.
  • Puwedeng mag-upgrade ang mga subscriber ng Adobe Firefly Plus plan sa Adobe Firefly Premium o puwede silang maglagay ng karagdagang Firefly Plus plan para sa mas mataas na capacity.
  • Para sa mga libreng user ng Creative Cloud, Adobe Firefly, at Adobe Express, puwede silang mag-subscribe sa isang bagong bayad na plan para patuloy na makagawa ng mga generative AI output.

13. Paano kung mayroon akong Firefly Generative Credits Add-on plan?

Simula Pebrero 12, 2025, hindi na magiging available para sa mga bagong pagbili ang Firefly Generative Credits Add-on plan. Para sa mga kasalukuyang customer, puwede nilang ipagpatuloy at i-renew ang mga kasalukuyan nilang plan. Ang buwanang araw ng pag-renew ay iuugnay sa petsa ng pagsisimula kung kailan nabili ang plan. Para sa mga bayad na user ng Adobe Firefly Generative Credit Add-on, mapapanatili nila ang kanilang access sa mga standard image at vector generative AI feature, kung saan mailalapat sa mga feature na ito ang mga credit na partikular sa kanilang plan. Para ma-access ang mga generative AI feature sa video at audio, puwedeng mag-upgrade ang mga user sa isang bagong may bayad na Firefly Plus o Firefly Premium plan.

14. Ano ang ibig sabihin ng "komersyal na paggamit"?

Ang komersyal na paggamit ay tumutukoy sa anumang uri ng paggamit na nagdudulot ng komersyal na aktibidad para sa iyo, sa brand mo, o sa negosyo mo — halimbawa, pagbebenta, paggamit ng mga print at digital na pampromosyong materyal, o sa pagbebenta ng mga produkto at content. Puwedeng gamitin sa komersyal na paraan ang mga output mula sa mga Firefly model at beta feature, maliban kung iba ang nakasaad sa produkto o sa iba pa. Gayunpaman, hindi kuwalipikado para sa pagbabayad ng danyos ang mga output habang nasa beta.

15. Pinagsasama-sama ba ang mga generative credit sa Creative Cloud para sa mga teams o enterprise plan?

Hindi pinagsasama-sama at hindi puwedeng i-share ang mga generative credit ng iba’t ibang user.

16. Magkapareho lang ba ang mga Adobe Stock credit at generative credit?

Hindi, hindi puwedeng gamitin ang mga Adobe Stock credit para mag-generate ng content gamit ang mga feature na pinapagana ng Firefly. Mga generative credit lang ang puwedeng gamitin para mag-generate ng content gamit ang mga feature na pinapagana ng Firefly. 

Ginagamit ang mga Adobe Stock credit para maglisensya ng content mula sa Adobe Stock website alinsunod sa mga karagdagang tuntunin ng Adobe Stock o sa iyong kasunduan sa customer, ayon sa nalalapat.

17. Ano naman ang tungkol sa mga kakayahan at functionality ng generative AI sa hinaharap?

Posible kaming mag-introduce ng mga bagong media type — halimbawa, 3D at video — o mas mataas na resolution image at vector generation sa hinaharap na posibleng mangailangan ng karagdagang generative credit kada generation o mga dagdag na gastos. Tingnan ang aming rate table para sa mga detalye.

Higit pang tulad nito

Sumali sa aming komunidad para kumonekta, matuto, at mag-engage

Para sa inspirasyon, mga ekspertong tip, at mga solusyon sa mga karaniwang isyu, bisitahin ang Discord o ang forum ng Komunidad ng Adobe Firefly. Kumonekta sa aming team at mga kapwa-user para magpalitan ng mga ideya, i-share ang mga gawa mo, manatiling updated sa mga pinakabagong feature at anunsyo, at magbigay ng feedback.