I-personalize ang mga digital signature

Last updated on Okt 24, 2025

Alamin kung paano i-personalize ang mga digital signature sa Adobe Acrobat.

Windows

Piliin ang Menu > Preferences.

Sa Preferences dialog box, piliin ang Signatures mula sa kaliwang menu, pagkatapos ay piliin ang More sa seksyong Creation & Appearance.

Sa seksyong Appearances, piliin ang New.

Sa dialog box na magbubukas, maglagay ng pamagat para sa signature.

Sa ilalim ng Configure Graphic:

  • Piliin ang No graphic para text lang ang ipakita.
  • Piliin ang Imported graphic para magdagdag ng imahe (tulad ng iyong sulat-kamay na lagda). Piliin ang File > Browse para mag-upload ng imahe. 
  • Piliin ang Name para default na icon lang ang ipakita at ang iyong pangalan mula sa iyong digital ID.

Sa ilalim ng Configure Text, piliin kung anong impormasyon ang isasama, tulad ng pangalan at organisasyon. Maaari mong piliin ang Distinguished name para ipakita ang mga detalye mula sa iyong digital ID.

Sa ilalim ng Text Properties, tukuyin ang direksyon ng pagsulat at uri ng mga digit na gagamitin.

Ipinapakita ng dialog box ng Configure Signature Appearance ang iba't ibang opsyon sa ilalim ng mga seksyon ng Configure Graphic, Configure Text, at Text Properties.
Baguhin ang mga graphics ng signature, impormasyon ng text, at direksyon ng text gamit ang dialog ng Configure Signature Appearance.

Piliin ang OK.

Tip

Para isama ang iyong sulat-kamay na lagda, i-scan ito at i-save bilang imahe. Para sa pinakamahusay na resulta, ilagay ito sa isang dokumento at i-save bilang PDF bago i-import.

macOS

Piliin ang Acrobat > Preferences.

Sa dialog box ng Preferences, piliin ang Signatures mula sa kaliwang menu, pagkatapos ay piliin ang More sa seksyong Creation & Appearance.

Sa seksyong Appearances, piliin ang New.

Sa dialog box na magbubukas, maglagay ng pamagat para sa signature.

Sa ilalim ng Configure Graphic:

  • Piliin ang No graphic para text lang ang ipakita.
  • Piliin ang Imported graphic para magdagdag ng imahe (tulad ng iyong sulay-kamay na lagda). Piliin ang File > Browse para mag-upload ng imahe. 
  • Piliin ang Name para default na icon lang at ang iyong pangalan ang ipakita mula sa iyong digital ID.

Sa ilalim ng Configure Text, piliin kung anong impormasyon ang isasama, tulad ng pangalan at organisasyon. Maaari mong piliin ang Distinguished name para ipakita ang mga detalye mula sa iyong digital ID.

Sa Text Properties, tukuyin ang direksyon ng pagsulat at uri ng mga digit na gagamitin.

Piliin ang OK.