Magpadala ng mga dokumento para sa e-signature

Last updated on Okt 24, 2025

Alamin kung paano makakuha ng e-signature sa mga dokumento mo mula sa iba gamit ang feature na Request e-signatures.

Mula sa pagdaragdag ng mga tatanggap hanggang sa pagtatalaga kung saan dapat lagdaaan ang mga dokumento, madali lang ang pagpapadala ng mga dokumento para sa paglagda sa Acrobat sa desktop.

Kabilang sa mga suportadong format ang DOC, DOCX, RTF, XLS, XLSX, PPT, PPTX, TXT, CSV, HTML, HTM, TIFF, TIF, BMP, GIF, JPG, JPEG, at PNG.

Piliin ang E-Sign > Request e-signatures.

Sa dialog box, ilagay ang email at pangalan ng tatanggap. Pagkatapos, piliin ang Prepare document.

Para magdagdag ng higit pang mga tatanggap, piliin ang plus icon at pumili ng Add recipient, Add yourself, o Add CC.

Para tukuyin ang pagkakasunod-sunod ng paglagda, i-check ang checkbox na Recipients must sign in order at i-drag ang mga pangalan para muling ayusin.

Piliin ang Prepare document.

Ipinapakita ng dialog na Add recipients ang mga opsyon para maglagay ng mga email, itakda ang pagkakasunod-sunod ng mga lalagda, at isang naka-highlight na 'Prepare document' na button.
Magdagdag ng maraming tatanggap, itakda ang pagkakasunod-sunod ng paglagda, at piliin ang Prepare document para magpatuloy sa hakbang ng paglalagay ng field.

Sa pahinang magbubukas, pumili ng uri ng field at i-click sa dokumento kung saan mo gustong ilagay ang field.

Ipinapakita ng PDF ang mga naidagdag na field para sa paglagda at pangalan ng isang tatanggap. Ipinapakita ng kaliwang panel ang listahan ng mga tatanggap at mga available na uri ng field para sa paglalagay.

I-drag at i-drop ang mga field tulad ng pirma at pangalan para sa bawat tatanggap, gamit ang kaliwang panel para italaga at i-customize ang mga ito bago ipadala.

I-customize ang mga field gamit ang context menu na lalabas pagkatapos maglagay ng field:

  • Markahan ang field bilang kinakailangan
  • Baguhin ang nakatalagang tatanggap
  • I-costumize ang field
  • Tanggalin, kopyahin, o doblehin at i-link ang field

Sa pahinang Review and send, i-review ang mga detalye ng kasunduan, magtakda ng dalas ng paalala kung kinakailangan, at piliin ang Send.

Pahinang review at padala na may mga detalye ng kasunduan, listahan ng mga tatanggap, dalas ng paalala, at naka-highlight na Send button.
I-review ang pangalan ng kasunduan, mensahe, mga tatanggap, at mga setting ng paalala, pagkatapos ay piliin ang Send para ibahagi ang dokumento para sa paglagda.

Makakakita ka ng mensahe ng kumpirmasyon na may mga opsyon para:

  • I-save ang kasunduan bilang template
  • I-track ang kasunduan
  • Magpadala ng isa pang kasunduan