Magbahagi ng mga PDF form

Last updated on Okt 24, 2025

Alamin kung paano magbahagi ng mga PDF form para sa feedback, pag-apruba, o view-only access gamit ang Adobe Acrobat.

Ang Share tool sa Acrobat ay nagbibigay-daan sa iyo na makipagtulungan nang mahusay sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga PDF na may iba't ibang antas ng access. Maaari kang mag-imbita ng mga tao para magkomento, mag-apruba, o tumingin lang sa dokumento. I-customize kung sino ang maaaring mag-access sa file sa pamamagitan ng pag-adjust ng mga link setting, at magbahagi sa pamamagitan ng email, third-party app, o isang generated na link.

Piliin ang Share mula sa global bar.  

Sa Share dialog box, pumili ng isa sa mga sumusunod na opsyon:

  • Share for feedback - Maaaring magdagdag ng mga komento at annotation sa form ang mga tatanggap.
  • Share for approval - Maaaring aprubahan o tanggihan ng mga tatanggap ang form, karaniwang ginagamit sa mga review workflow.
  • Share as View Only - Maaari lang tingnan ng mga tatanggap ang form nang hindi gumagawa ng mga pagbabago.
Note

Batay sa iyong pipiliin, gagawa ang Share tool ng isang na-costumize na mensahe para sa mga tatanggap.

Para baguhin kung sino ang maaaring mag-access sa form, piliin ang Link Setting at pagkatapos ay pumili ng isa sa mga sumusunod na opsyon: 

  • Anyone on the internet with the link - Pinapayagan ang sinuman sa internet na mag-access sa file.  
  • Anyone in <your-organization> with the link - Nililimitahan ang access sa mga empleyado sa loob ng iyong organisasyon. Para sa mga enterprise user, ang opsyong ito ay napili bilang default. 
  • Invited people only – Nagbibigay ng access sa mga inimbitahang user lang. 
Acrobat sharing interface na nagpapakita ng PDF na may share dialog, may mensahe, mga opsyon sa pagbabahagi, at naka-highlight na &quot;Link setting&quot; na opsyon.
Magbahagi ng PDF para sa pagsusuri sa Adobe Acrobat sa pamamagitan ng paggawa ng link na nagbibigay-daan sa mga kasamahan na magkomento nang direkta sa dokumento.

Piliin ang Apply o Next kung naaangkop. 

Sa Share dialog, pumili ng isa sa mga sumusunod na opsyon sa pagbabahagi:

  • Invite people: Ilagay ang mga email address ng tatanggap, magdagdag ng mensahe o deadline kung kinakailangan, at piliin ang Invite.
  • Share via third-party apps: Pumili ng mga app tulad ng Outlook, Gmail, Teams, o WhatsApp, at gagawa ang Acrobat ng link at bubuksan ang napiling app.
  • Create a shareable link: Piliin ang Create a link to share at pagkatapos ay i-paste ang link kahit saan mo gustong ibahagi ang form, tulad ng sa email o messaging app.
  • Send via email: Piliin ang Send a link or attach this file to an email at sundin ang mga tagubilin sa screen.