Mga grupo ng user
Tuklasin kung paano ginagawang mas madaling maintindihan at accessible ang mga file ng feature na Generate podcast sa Adobe Acrobat kahit saan ka man.
Ginagawa ng Generate podcast feature na ito ang mahabang, text-heavy na mga dokumento na madaling pakinggang audio, binabawasan ang screen time at dinadagdagan ang kadalian. Gumagawa ito ng mga conversational summary na naaayon sa inyong pangangailangan, kung gusto ninyo ng mabilis na highlights o mas malalim na pag-unawa sa mga insight. Kapag ginamit sa PDF Space, awtomatikong nag-a-update ang podcast habang nagdadagdag o nag-aalis kayo ng mga file, kaya laging sumasalamin ang audio sa pinakabagong content. Pakinggan ang mga strategy paper, research file, o detalyadong mga ulat anumang oras habang gumagawa ng ibang bagay.
Access at availability
Kailangan mag-sign in para magamit ang feature ng podcast. Sumusuporta ito sa mga dokumento mula 500 character hanggang 600 pahina (ang mga maikling file ay maaaring hindi makagawa ng makabuluhang podcast). Sumusuporta lang sa English ang feature sa ngayon, at darating na ang mas maraming wika. Available ito sa Acrobat web, desktop, at mobile (iOS at Android).
Ang mga indibidwal, team, at enterprise na subscriber na may Acrobat Studio, AI Assistant, o mga planong may kasamang Acrobat AI features ay magkakaroon ng access sa Generate podcast na feature.Maaaring mag-enjoy ang mga user sa mga plan na ito ng libreng AI-generated content sa loob ng limitadong panahon. Nilaan namin ang karapatang magpakilala ng generative credit consumption para sa feature na Generate presentation sa hinaharap at maaaring i-update ang mga usage limit anumang oras.
Bakit ito mahalaga
Nakakatipid ng oras ang mga podcast sa pamamagitan ng mabilis na paghahatid ng mga pangunahing punto, pagbabawas ng screen fatigue, at paggawa ng mga kumplikadong paksa na mas madaling maintindihan. Nagbibigay din ito ng accessible na format para sa mga user na may problema sa paningin o pagkilos.
Ano ang magagawa ninyo
- Gumawa ng multi-voice audio para sa natural na narration.
- I-personalie ang haba, antas ng kadalubhasaan, at bilis ng playback.
- I-sync ang mga podcast at script sa lahat ng device.
- I-play, i-pause, i-resume, ayusin ang bilis at volume para kontrolin ang playback.
- Magbahagi ng feedback para mapabuti ang experience.
Sino ang makakakuha ng benepisyo
Narito ang ilang paraan kung paano ginagamit ng mga tao ang Podcast feature para makatipid ng oras, manatiling focused, at gawing mas madali ang pagbabasa:
|
|
Mga aplikasyon |
|---|---|
|
Mga nagtatrabahong propesyonal |
Makinig sa mga ulat, brief, at manual habang naglalakbay o gumagawa ng maraming gawain. |
|
Mga estudyante at tagapagsaliksik sa kolehiyo |
I-convert ang mga tala, papel, at materyal ng proyekto sa mabilis na buod ng audio. |
|
Mga sales personnel |
Manatiling sales-ready habang nasa biyahe. Makinig sa mga product update, client brief, at insight nang hands-free habang nag-c-commute. |
|
Mga propesyonal sa marketing |
I-convert ang mga research report, client brief, competitive intelligence, at feedback sa audio overview para sa mas mabilis na pag-unawa. |
|
Mga accessibility user |
I-access ang mga materyal sa pagkatuto, mga gabay, at libro sa madaling pakinggang format. |
|
Mga propesyonal sa legal |
Makakuha ng mabilis na buod ng audio ng mga case file, batas, at regulatory update. |