Buksan ang PDF Space. Maaari mong i-costumize ang overview kung kinakailangan.
Ibahagi ang PDF Space bilang ginabayang karanasan para tulungang maintindihan ng mga tatanggap ang content, saan magsisimula, at paano makikipag-ugnayan dito.
Bilang may-ari ng PDF Space, pwede mong i-customize kung paano ipapakita at gagamitin ang iyong content bago mo ito ibahagi. Kasama dito ang pagpapahusay sa mga AI-generated na buod, pag-aayos ng mga item sa Overview page, at pagdagdag ng mga elemento tulad ng mga note, podcast, o branding.
Kapag gumawa ka ng PDF Space, maaari mong ibahagi ang Overview bilang guided experience o magbahagi ng individual na file mula dito.
Try it in the app
Quickly gain insights from multiple information files.
Tanging ang mga tatanggap ng nakabahaging Mga PDF Spaces ang makaka-view sa kanila sa mga sinusuportahang wika. Kung ang kasalukuyan mong wika ay hindi sinusuportahan, lumipat sa isa sa mga wikang kasalukuyang sinusuportahan.
Ibahagi ang Overview
Piliin ang Share mula sa itaas na menu.
I-customize kung ano ang unang makikita ng mga tatanggap:
- Overview: Makikita ng mga tatanggap ang na-customize na Overview.
- Ang kumpletong listahan ng file: Makikita ng mga tatanggap ang lahat ng mga file sa Space.
- I-spotlight ang file: Makikita ng mga tatanggap ang napiling file o creation.
Piliin ang Done.
Piliin kung paano magbabahagi:
- Invite people: Ilagay ang pangalan ng tatanggap o email, suriin ang mensahe, at piliin ang Send.
- Direct link share: Piliin ang Copy link , pagkatapos ay ibahagi ang nakopyang link sa mga tatanggap.
- Share via third-party apps: Pumili ng anumang third-party app, tulad ng Outlook, Gmail, Teams, o WhatsApp, at sundin ang mga tagubilin sa screen.
Alamin pa ang tungkol sa interactive na karanasan sa pagbabahagi ng PDF Spaces para maintindihan kung paano nakikipag-ugnayan ang mga tatanggap sa mga ibinahaging space at kung anong mga engagement insight ang pwede mong ma-track.
Piliin kung paano makaka-access ang iba sa iyong PDF Space bago magbahagi, para makita at makipag-ugnayan ag mga tatanggap sa content ayon sa intensyon. Sa ilalim ng Who can access this PDF Space, pumili ng access level:
- Anyone with the link: Sinumang may link ay pwedeng magbukas ng Space.
- Anyone in Adobe Inc. with the link: Sinumang nasa iyong organisasyon na may link ay pwedeng magbukas ng Space.
- Invited people only: Ang mga inimbitahang tao lang ang makakabukas ng Space.
Sa ilalim ng What can they do, pumili ng permission level:
- Add comments, and add or remove files and notes: Ang mga taatanggap ay pwedeng magkomento at magbago ng mga file at note sa Space.
- Add comments: Ang mga tatanggap ay pwede lamang magdagdag ng komento.
- View files and notes: Ang mga tatanggap ay pwedeng tumingin ng mga file at note nang walang binabago.
Para magdagdag ng Knowledge Base collection, pumunta sa Files, piliin ang select files and collections > Knowledge Base. Piliin ang mga file na gusto mong laidagdag, pagkatapos ay piliin ang Add to PDF Space. Kapag may Knowledge Base collection ang PDF Space, maibabahagi mo lang ito sa loob ng iyong organisasyon o sa mga taong inimbitahan. Available lang ang mga Knowledge Base collection sa Enterprise users.
Magbahagi ng file
Maaari kang magbahagi ng individual na file para direktang mabuksan ito ng mga tatanggap sa PDF Space.
Buksan ang PDF Space.
Piliin ang Files mula sa kaliwang panel.
Piliin ang sa file na gusto mong ibahagi, pagkatapos ay piliin ang Copy link to file.
Ibahagi ang nakopyang link sa mga tatanggap.
Magtrabaho nang mas matalino gamit ang Acrobat sa desktop mo
Gumawa, mag-edit, at mag-ayos ng mga PDF gamit ang mga makapangyarihang tool na tumutulong sa iyong manatiling produktibo saan ka man naroroon.